Recent Comments

Kasaysayan Ng Guinayangan: Viejo at Nuevo Guinayangan Alias Apad



Ang Viejo Guinayangan 1767. Lalong sumandali ang pananalakay ng mga Moro. Kaalinsabay ito ng pagkatatag ng pamahalaang Kastila sa nasakop na kapuluan. Ang mga pueblo sa mga baybaying dagat ay palaging sinasalanta ng walang habas na pananalakay ng mga Moro. Ang pamayanan ng Viejo Guinayangan ay dumanas ng kahirapan at mapanganib na pamumuhay sa panahong ito kung kaya’t nagpasya ang mga mamamayan na ilipat ang bayan sa Puerto Kabibihan.
Noong 1767, buwan ng Nobyembre naganap ang mabangis na pananalakay ng mga Moro sa Puerto de Cabibihan na ikinagimbal ng mga mamamayang naturals, Tatlumpo’t dalawang sasakyang dagat ng mga Moro ang sumalakay at kumubkub sa lugar ng Puerto de Cabibihan. Tumagal ng tatlong araw at tatlong gabi ang labanan. Dumating ang tulong mula sa publo ng Gumaca at Atimonan kung kaya’t napilitang umurong ang mga kaaway.


Sa pangamba ng mga mamamayan na baka muling sumalakay ang mga Moro, nagpasiya silang magtipon-tipon sa pueblo ng Gumaca. Subalit sa payo ng Obispo Don Fr. Antonio e Luna, humanap sila ng ibang lugar o pook na malilipatan. Sa pagtalima sa mahal na Obispo, natagpuan nila ang sitio ng Apad sakop ng Vesita ng Vinas. Sa pangunguna ni Diego alfonso, Domingo Lazaro, Bartolome Pascual, Phelepi Salvador, ang buong pamayanan ay lumipat sa Apad at tinawag nila itong Nuevo Guinayangan alias Apad. Hiniling nila sa Gobernador na dito na sila mamalagi o tuluyang manirahan sapagkat mayroon na silang sinasakang bukirin bukod sa may malinis na tubig na inumin. Malapit din sila sa ilog na nagmumula sa kabilang dagat.
Ayon sa Padron General (1769) ng Tributantes may kabuuhang 761 mamamayan ang nagsipaglipat sa Nuevo Guinayangan alias Apad.

Nuevo Guinayangan alias Apad (1768). Patuloy na namuhay ang mga taga Viejo Guinayangan sa bago nilang bayan. Nagtayo sila ng pamayanan na may apat na Castillo sa apat na esquina nito. Napapalibutan rin ito nang dingding na ang taas ay pitong bara bilang pananggalang sa mga kaaway. Subalit sa kabila ng ito ay hindi maalis ang pangamba nab aka muling sumalakay ang mga Moro.

Makalipas ang labinlimang taon, muli silang lumiham sa Senor Don Antonio Gallego Obispo ng Nueva Caceres upang humingi ng armas na ipapananggalang sa mga kaaway. Ibinalita rin nila sa naturang liham na sumakabilang buhay na ang kanilang karamay-damay na Kura Padre Sesinando Nograbejo. Kalakip ng liham ang krokis ng kinalalagyan nila. Inaalala pa rin nila ang mga naiwang kasamahan na nagsilikas sa kagubatan ng Viejo Guinayangn. Ayaw na nilang bumalik sa Viejo Guinayangan sa Puerto Cabibihan.





-excerpt from the book "Guinayangan Noon At Ngayon" by Alodia F. Molines

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails