Recent Comments

Mangagawa Sa Baryo

Ang Barangay Manggagawa ay dating sitio lamang ng Baranggay Himbubulo Este. Ang baranggay na ito ay nakasanayan ng tawaging “Barrio Mangagawa” ng mga naninirahan dito at ng buong mamamayan ng Guinayangan.

Noong unang panahon mayroong dalawang malaking pagawaan ng bakya sa lugar na ito. Kaya’t karamihan sa naninirahan dito ay manggagawa ng bakya. Ang iba pang mga hanapbuhay dito ay ang pagkakalis ng palasan na ginagawang bukid at pagkakargador. Ang mga unang taong nanirahan dito ay siya ring nagmamay-ari ng mga lupain.


Sila ay si Judge Guillermo Eleazar, mistisong kastila at Judge ng bayan ng Guinayangan, Quezon, at si Don Rodrigo Garcia, isa ring mistisong kastila.
Nang panahong nagkamayroon ng lagarian ng kahoy si Kabesang Victoriano
Lagdameo dumami na ng dumami ang mga nanirahan sa sitiong ito. Sila ay nanggaling sa kalapit na mga baranggay o kaya’y galing mismo sa labas ng bayan.Sa dami na ng naninirahan dito nagkaisa na ang mga mamamayan na humiwalay na sa Baranggay Himbubulo Este at magbuo na ng isang sariling pamunuan bilang indipendenteng baranggay. Taong 1952 napili si G. Bersahe Villanueva bilang Tinyente del Barrio kasama ang anim na konsehales.

Tuwing ika-15 ng Mayo ay nagkakaroon ng kasayahan at kapistahan bilang pagbibigay pugay sa napili nilang patron na si San Isidro Labrador, ang patron ng magsasaka. Sa pagsambit ng mga tao sa salitang magsasaka, namumutawi sa kanilang mga bibig ang Barrio Manggagawa, dahilan siguro sa dami ng mga naninirahan ditong mga manggagawa. Noon di’y napagkasunduan nila na tawagin itong Barrio Mangagawa.

Ang Baranggay Mangagawa ay katabi ng ilog Prenza kung alin ito ang nagsisilbinglikas na hangganan ng katabing Baranggay Poblacion. Sa silangang bahagi naman nito ay ang dagat ng Ragay.Sa timog kanluran ay ang Baranggay Calimpak na nasa halos paanan na ng isang bundok.

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails