Recent Comments

Ang Mga Bulo Sa Kanluran

Ayon sa pinakabagong senso ng pamahalaan, ang Brgy. Himbubulo Weste ay ika 29 sa may pinakamalaking barangay ayon sa mga naninirahan dito. Ang 456 na mamamayan nito ay binubuo karamihan ng mga magsasaka.

Mayaman at mabundok ang lupa kaya akma rin sa mga pananim na niyog sanhi ng maraming copras na inaani nito taon-taon.


Noong una, ayon sa matatanda. Himbubulo ang tawag sa baryo sa may gawing timog ng bayan.Ito'y dahil maraming bulo (bamboo) na tumutubo sa kapaligiran. Malawak na kalupaan ang nasasakop nito.

Ang unang nanirahan dito ay ang angkan ng Penaverde at Iglea, mga taga-Sariaya Quezon. Maraming sumunod sa kanila buhat sa nasabing bayan at sa lalawigan ng Batangas. Sila ang naghawan ng gubat, nagpayaman ng lupa at nagtanim ng mga punong niyog.

Noong taong 1940, nahati ang nayon sa Este at Weste. Si Doroteo Penaverde ang unang naging Tenyente del Barrio ng Brgy. Himbubulo Weste.






ref: "Guinayangan Noon At Ngayon" by Alodia F. Molines

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails