Recent Comments

Ilog Kaimawan

Ang Brgy.Dancalan Caimawan ay dating sakop ng mas malaking baryo ng Dancalan. Si G.Dionisio Delen ang kauna-unahang naging Tinyente del Baryo. Sa kasalukuyan, ang barangay ay pinamumunuan ngayon ni Kapitana Severina Cleope. Ayon sa huling sensus ng pamahalaan, isang libo, isang daan at animnapu at dalawa (1,162) ang naninirahan dito.

Ayon sa matatanda, nang nagsipagdating ang mga dayuhan galing sa kabisayaan naghanap sila ng kahoy na gagawing bangka. Natagpuan nila sa gawing timog kanluran ng bayan ang tamang kahoy. Nagsimula silang namutol ng kahoy upang gawing mga Bangka. Wala silang mga panukat, ang gamit lamang nila ang kanilang mga kanilang mga kamay. Lahat ng mga kahoy na inilalabas dito ay “dinadangkal”. Nakasanayan na nilang tawagin ang lugar bilang Dangkalan sa kadahilanang ang mga kahoy na nagmumula dito ay kanila lamang dinadangkal .
Dumating ang araw na lumaki ang mamamayan na naaninirahan sa bahaging ito ng Barangay Dancalan. Napagpasyahan ng mga namumuno ng panahong yaon na humiwalay na at magsarili na bilang isang ganap na barangay. Dancalan Caimawan ang ipinangalan ng mga tao sa baryong ito, bilang dating bahagi ng Dancalan at sa ilog ng Caimawan na bumabagtas sa buong barangay





About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails