Sino ang nagsabing pawang masasama at pangit ang iniiwang masasama at pangit ang iniiwang bakas ng digmaan? Pangit nga kayang lahat?
Panahon ng hapon, 'di nakaligtas ang lupain ng Danlagan sa pagbagsak ng sunod-sunod na bomba ng kamatayan. Halos mawasak ang lugar na ito at kung pakasusuriin ay wala ng natirang buhay na naninirahan. Pinapangit ng mga bombang iyon ang pook na nabanggit.
Subalit, teka, bakit parang may kakaibang tanawing iniwan ang kasaysayan. Tama! Nagiwan ng kakaibang pilat ang digmaan. Ang markang iyon ay nagkaroon ng natatanging tanawing dinarayo ngayon ng mga tagarito at mga karatig pang mga barangay at bayan.
Unti-unti, dinaluyan ng napakasaganang tubig ang mga batong parang nililok padaus-os mula sa gawing itaas pababa. Naging mala-paraisong talon ang malalaking tipak ng batong binagsakan ng kalupitan ng mga mapanakop na mga dayuhan. Sa ngayon, di maliligtaan. ang pagdalaw sa lugar na ito ng mga kabataang mahilig maglunoy sa malamig na tubig. Kailan may di naulila sa malulutong na halakhak ang munting paraisong ito ng Danlagan. Bahagi na ito ng buhay ng bawat maninirahan dito.
Mabuti na lamang naging maganda ang markang iniwan ng kasaysayan sa lupain ng Danlagan. Ito ang tanyag ngayong Busay . Ang Busay ng kasaysayan.
by: Jovel Pearl Manansala
from: Ang Gayang Archives June-October 2002