Buhat sa kabundukan, may ilog na dumadaloy sa malawak na lupain. Sinubok ng mga nagsipaghawan ng kagubatan na hanapin ang bukal na pinagmumulan ng ilog. Mahaba na ang kanilang nalalakad ay wala pa ring silang matagpuang bukal o talon. Kaya tinawag nila na “Hinabaan” ang ilog. Nang nagkameron na ng munting pamayanan ang mga pampang ng ilog, nakilala sila bilang mga mamamayan na naninirahan malapit sa ilog ng Hinabaan. Anopay tinawag na rin ang lugar na ito na Hinabaan hangang ng sa ito’y naging ganap na baranggay. Nasaklaw nito ang isang malawak na kalupaan buhat sa ilog ng Gabok hanggang sa Brgy.Balinarin.
Pamilyar ang baranggay na ito dahil sa isang malinis at malawak na ilog. Bilang isa sa mga barangay ng Guinayangan na binabaybay ng Daang Panlalawigan, sa mga mamamayan ng Guinayangan, isa itong kilala na nagmamayari ng malaking tulay kasama ng Salakan.
Ayon sa bagong sensus, may limandaan at tatlumpu't walong (538) mamamayan ang kasalukuyang naninirahan dito. Karamihan ay pagsasaka, pagkokopras, at paghahayupan ang mga kinabubuhay dito. Mayroon ding pagbababuyan at pagmamanukan, gayundin ang pangingisda na bilang isang barangay na may nasasakupang tabing dagat.
ref: "Guinayangan Noon At Ngayon" by Mrs. Alodia F. Molines