Recent Comments

Mang Pedro Parafina

Ang isa sa dalawang barangay ng Guinayangan na nagngangalang San Pedro. May 433 mamamayan ang naninirahan dito ayon sa pinakabagong datos ng pamahalaan. Masayahin ang mga tao at likas na may magandang loob (hospitable). Masagana ang lupa at maraming oportonidad sa pagsasaka. Karamihan sa pinagkukunan ng pangkabuhayan dito ay ang pagtatanim ng gulay, pagkokopras, at paghahayupan. May mga ilang parte ng kapatagan na may irigasyon na natataniman ng palay. Dahil sa pagsasaka ang kanilang pangunahing ikinabubuhay, sinikap ng lokal na pamahalaan na gawan ng "farm to market road" ang barangay.

Ang San Pedro Uno ay dating bahagi ng isang malaki at matandang barangay ng Dungawan Paalyunan . Lumaki at umabot ng tatlumpong kabahayan ng pamilya ang baryo, ito ang dahilan kaya pinayagan itong magsarili at ang maging isang ganap na barangay. Sa kadhilanang ito, mas lalo ng umunlad at dumami ang nanirahan dito. Hindi na sila nahihirapan pang pumunta sa sentro ng dati nilang kinaaanibang barangay kapag may pagtitipon.

Bilang pag-galang at pagpapahalaga sa unang tao na nanirahan dito, tinawag nila ang barangay sa ngalan ni Mang Pedro Parafina na nagsilbi ring kauna-unahang punong nayon. Ipagdiriwang ng barangay ang taunang kapistahan alay sa patron ngayong ika-anim ng buwan ng Mayo.








ref: "Guinayangan Noon At Ngayon" by Alodia F. Molines

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails