Ayon sa pinakahuling datos ng pamahalaan, ang Brgy. Himbubulo Este ay ika 37 sa mga barangay ayon sa mga naninirahan dito. Nang dahil sa lubhang napakalapit nito sa sentro ng pamamahala ng bayan, at sa mura ng lupain, halos kalahati sa 390 na katao na naninirahan dito ay dating mga taga bayan. Maganda ang daan,
masagana ang lupa at dagat, tahimik ngunit malapit sa bayan ang naging atraksyon ng barangay.
Noong una, ayon sa matatanda. Himbubulo ang tawag sa baryo sa may gawing timog ng bayan.
Ito'y dahil maraming bulo (bamboo) na tumutubo sa kapaligiran. Malawak na kalupaan ang nasasakop nito. Ang unang nanirahan dito ay ang angkan ng Penaverde at Iglea, mga taga-Sariaya Quezon. maraming sumunod sa kanila buhat sa nasabing bayan at sa lalawigan ng Batangas. Sila ang naghawan at nagtanim ng mga niyog dito.
Noong taong 1940, nahati ang nayon sa Este at Weste. Si Doroteo Penaverde ang unang Tenyente del Barrio ng Weste, samantalang si Esteban Collado naman sa Este.
ref: "Guinayangan Noon At Ngayon" by Alodia F. Molines