Sa isang malayo at liblib na lugar
Sa baybaying dagat
nitong look Ragay
Sumibol ang isang magandang barangay
Kung saan kilala sa Nabangka ang ngalan
Ayon sa mga kwento ng mga ninuno
Ito ay gubatan at may malalaking
puno
Malalagong dawag sanga`y masalimuot
Ang naniniraha`y mga
ligaw na hayop
At sa kalauna`y mayroong dumatal
Na isang pamilyang
galing sa kung saan lang
Kanilang nilinang itong kagubatan
Ginawang kaingin
halama`y tinamnan
Ang dating magubat
at madawag na lugar
Noo`y unti-unti na nagliliwanag
Ang mga puno ng saging at ibang halaman
Wari`y paraiso kung
iyong pagmamasdan
Subalit sa ibang taong nagtutungo
Ay may agam-agam at
nangangalito
Kung may nagtatanong anong lugar ito
Walang maisagot di
alam kung ano
Sa paglibot-libot niyaong unang tao
Sa nasasakupan ng
nayon na ito
Nakita ay sapa sinunson
ang dulo
Tila hugis Bangka ang kanyang natanto
Kay ganda ng hugis ng sapa na ito
Na parang sinadya
pagkagawa nito
Sa gilid ng sapa ay may naka-usling bato
Matanda`y naupo na sapu ang noo
Sa pagkakaupo matanda`y nangiti
Kay gandang pangalan sa
sarili`y nasabi
Kung may magtatanong anong lugar eri,
NABANGKA, NABANGKA,
yaong isasabi
Ngayon kung mamasdan
nayon ng NABANGKA,
Ay maaaliw ka sa`yong makikita
Kay linis ng dagat baybaying kayganda,
Na kaakit-akit sa
mga turista
Dahil ang NABANGKA, ngayo`y maunlad na,
Bahay nayon
paaralan, ngayo`y konkreto na
Pangalang NABANGKA, ngayo`y pinaltan na,
CAPULUAN CENTRAL, ngayo`y mas kilala
Kung ang baybay dagat ay bibigyang pansin
Lalong
mapaganda`t pag yayamanin
Maging kabunduka`t
kaparangan natin
Yaong kaunlara`y higit na kakamtin.
by: Anonymous