Recent Comments

Parang Pulo

Noong 1896 dumating ang mga pamilya ng Apolonario Porlay, Adriano Cataquiz at Catalino Servando sa sabang ng Capuluan. Naibigan nilang manirahan sa baybaying ito na may dalawang nakaungos na punta na parang pulo, kaya tinawag nila itong Capuluan.

Sumunod sa kanila ang mga Purio, Olivera at Malana. Sa pamumuno ni Ciriaco Beco (Ka Dacoy) ang mga Batanguenio ay nanirahan sa sitio ng Nabangka, na sakop ng Capuluan Central. Nahati sa dalawang barangay ang Capuluan, ang Central at Tulon.

Sa mga sitio ng Capuluan Central, ang Sitio Nabangka, Plaza Kape at Bungalo ang nasa baybayin ng dagat. Ang aplaya nito ang may pinakamaganda sa lahat ng nasasakupan ng Guinyangan dahil sa ito ay malinis at hindi pa naabot halos na karamihan sa bayan. Mala asukal ang pagkapino ng buhangin nito sa baybayin, mababaw at akmang akma bilang paliguan.

Mas kilala ang buong Brgy.Capuluan Central bilang Nabangka. Sa katunayan nga ay marami pa ring nagkakamali na ang Nabangka ay isang barangay ng Guinayangan, ngunit isa lamang itong sitio at nagsisilbing kabisera ng barangay. Ngunit kagaya ng ibang lugar na may dalawang pangalan, batid naman ng mga nainirahan dito na ang tinutukoy nila ay iisa lamang.

Mayaman ang baryo sa biyayang dagat at handog ng matabang lupa sa katihan. Mahigit kumulang isang libo at limang daang katao ang nainirahan dito ayon sa nakaraang sensus ng pamahalaan. Masisipag at masayahing likas, at magaling makipagkapwa tao. Marami sa mga kabataan na likas na taga dito ay naninirahan at naghahap buhay  na sa ibang lugar o ibang bansa.





About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails