Recent Comments

Sa Malisgud

Dekada sisenta ng italaga bilang isang ganap na barangay ang dating kilalang Sitio Malisgud. Dating sakop ng isang lumang malaking barangay ng Himbubulo na ngayoy nahahati na sa dalawang baryo ng Himbubulo Este at Himbubulo Weste. Binubuo ng 178 ektarya na ang kalakhan ay nanggaling sa Himbubulo Este.

Ang mga unang taong nanirahan dito ay galing sa Kabisayaan at Kabikulan. Ang pamilya ni Ramon Quina at mga Esquilona ng Ragay, Camarines Sur ang mga unang nagyaman sa lupain nito. Ngunit ng ito ay naging ganap na barangay, napagdisisyunan ng mga mamayan, sa pamumuno ni Ka Igme Ilao, na ipangalan ang lugar galing sa isang maliit na barangay na nasasakupan ng bayan ng Sariaya, Quezon. Sa kadahilanan siguro na sa dami ng taong nangaling sa lugar na nabangit. Si Ka Uldareco Malihan ang natalaga bilang kauna-unahang Capitan del Barrio.

Binubuo ng mahigit 375 katao ang naninirahan dito ayon sa huling sensus. Binubuo ng halos 70% ay kaanib sa relihiyong Iglesia Ni Cristo. Si San Lorenzo Ruiz ang tinalaga nilang patron at ipinagdiriwang ito tuwing ika-29 ng Setyembre. Bagamat sa karamihan ng mga naninirahan dito ay hindi naniniwala sa tradisyon ng katolikong simbahan, ang pagdiriwang ay naiisakatuparan pa rin dahil sa maigting na pakikisamahan ng buong barangay.

Nabubuhay ang mga tao sa pagniniyog at pagtatanim ng mga halamang gulay. May mga tubigan at palayan din. Ngunit sa kadahilangang lubhang limitado ang patag na lugar bilang gawing patubigan,  karamihan ng ani ay para lamang sa sariling gamit ng magsasaka. May mga ilang ektarya na may pananim ng punong langka at pribadong gubat na binubuo ng mga punong Mahogany. Makikita ang animo'y gubat ng mga kahuyang ito sa gilid ng daang barangay at nagsisilbing atraksyon na rin sa mga dumadaan. Sa kasalukuyan, ang barangay ay pinamumunuan ni Kapitana Corazon Capio Moceros.




About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails