Recent Comments

Balagbag Na Rin


Sa isang bahagi ng kalupaan na nasasakupan ng Gapas ay nagbukas ng lilinangin ang magbayaw na sina Florentino Butardo at Ramon Zarcilla. Nakita nila ang hangganan ng ilog sa timog hilaga ng Gapas. Ito ay pinagyaman nila at dito na nanirahan si Florentino kasama ang kanyang may bahay. Nagkaanak sila ng limang lalake, ito ay sina Felix, Pedro, Manuel, Sixto at Juana.

Ang pangalang Balinarin ay hinango ng mga sinaunang taong naninirahan dito sa salitang "balagbag na rin" sa kadahilanang ang bundok na naghahari sa lugar na nabanggit ay nakabalagbag. Nang dumami at lumaki ang papulasyon, naisipan nila na humiwalay na sa Brgy,Gapas na nakakasakop dito. Itinalaga nila si Juana Butardo bilang kauna-unahang Tinyente del Baryo.

Sa ngayon ang Baranggay Balinarin ay isang munting baranggay na pinaghahanggananan ng Brgy.Gapas at Brgy.Hinabaan. Kasama ang kalupaan nito sa mga binabaybay ng daang panlalawigan tungo sa kalapit na bayan ng Calauag. Pagsasaka at pagkokopras ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito.

Isang dekada na ang nakakalipas ng mabuksan ang isang Resort sa ilog ng
Balinarin. Dati ng kilala ang ilog na bumabaybay sa baranggay na ito bilang paliguan at piknikan ng mga taga bayan. Tuwing tag-init at bakasyon ay dinadayo ang isang talon sa dulo ng tipas bilang paliguan. Kailangan mo pang baybayin ang tabing ilog at masusukal na gubat upang marating ang natatagong paraisong. Dahil sa layo nito sa daang panlalawigan, halos mga kabataan lamang ang nakakarating. Dito naisipan ng konseho ng baranggay na magtayo ng isang Resort na malapit na maaring marating ng sasakyan. At nag-umpisa ng makilala ang baranggay na ito hindi lang sa buong bayan ng Guinayangan kundi pati na rin sa karatig na bayan bilang isa sa pangunahing atraksyon sa turismo.




Ref: "Guinayangan Noon At Ngayon" by Mrs. Alodia F. Molines

  1. gravatar

    # by Taga Guinayangan - April 14, 2010 at 11:10 AM

    ...kaya pala balinarin, at ang bundok na naka balagbag na yun ang dahilan kaya may zigzag sa lugar

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails