Recent Comments

San Antonio Na, Nasa Guinayangan Na Tayo!

Ang barangay San Antonio ay tinaguriang "The Gateway Barrio", sapagkat ito ang kauna-unahang baranggay na sumasalubong sa mga tao at sasakyang nangagaling sa Maynila o ibang karatig bayan gamit ang daang panglunsod papunta sa sentrong bayan ng Guinayangan.

Tahimik at masagana ang mga mamamayan dito, masagana ang lupa para sakahan at taniman ng palay, at pastulan ng mga alagang hayop. Marami ring tanim na puno ng mga prutas at lalong lalo na ang niyog na nagsisilbing kabuhayan ng mga naninirahan dito. May roon ding mga babuyan at mga manukan na nailuluwas sa bayan, sa karatig bayan o kaya ay sa Maynila.

Sa kadahilanang isa ito sa mga malayong baranggay pamula sa sentro ng Guinayangan, ang karamihan ng mga produktong ginagamit sa pang-araw araw ay nanggagaling na lamang sa sumunod at kalapit na bayan ng Calauag.

Ang barangay na ito ay dating bahagi ng karatig baranggay ng Gapas. Nasasakupan nito ang halos lahat ng lupa na nasa unahan ng Ilog ng Gapas.

Noong una mayroon lamang labingtatlong pamilya ang naninirahan ng matiwasay dito. Lumaki ng lumaki ang papulasyon dahil sa nabuksang daang panglunsod. Hangang sa ninais na nilang maging isang bukod na baryo na pinagbigyan agad ng Konseho Municipal noong ika-13 ng Hunyo. Nahalal nila si G. Urbano Alano bilang kauna-unahang Tenyente del Baryo.




ref. "Guinayangan Noon at Ngayon" by Mrs. Alodia F. Molines

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails