Recent Comments

My Ancestors Home Sweet Home


Notice the serenity of the ocean. Here, they're still using basnig for fishing like they used to in Manlayo.

Bumalik sa Labac Naic Cavite ang karamihan ng aking kamaganak noong wala ng mahuling isda at iba pang Marine Life sa atin. Nagbaligtad naman ang naging buhay sa Manlayo. Bumalik sila sa Cavite at naswertihan naman nila ang dagat doon.

Noong early 70's sila lumipat doon para mangisda. Marami din sa kanila ang nakapagpaaral ng mga anak sa College. Yong iba nilang anak ay nakapag abroad din at nakatapos ng Nursing or BSN. Karamihan sa mga kamaganak ko na bumalik sa pinanggalingan ng aming mga Mahal na Ninuno ay yong mga nawalan ng bahay at mga bangkang pang hanapbuhay. Yan ngayon ang nangyari sa mga kamaganak ko na pinalad naman na makaahon sa hirap noon sa Manlayo.

Ang pag babalik nila sa Labac Naic Cavite ang nagbigay naman ng magandang kapalaran sa kanilang buhay. Yan din ang nakakalungkot ngayon sa atin. Nawala ang mga Marine Life sa ginawang pangaabuso ng mga mangingisda na gumamit ng dinamita. Ang ating mga Coral Reefs ay namatay kasama ang mga itlog ng isda , alimasag, hipon at halos lahat ng buhay sa karagatan ay namatay. Sana'y wala ng mangabuso pa ngayon na unti unti na uling bumabalik ang kayamanan ng ating Mahal ba Dagat.


Pakiusap ko lamang sa ating nga Mahal na Kababayan at Kamaganak na panatilihing Malinis at Maganda ang ating paligid para sa atin na ring kabutihan. Maraming maraming salamat sa inyong lahat dyan na walang patid ang pagtutulong tulong sa ikauunlad ng ating Mahal na Bayan .




 narrated by: Ms. Rosie Carter

republished from: Sa Tabing Dagat 
 (with permission by the author) 






About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails