Recent Comments
Tulad Ng Isang Acacia
Posted by Anonymous in Ang Gayang Archives on Friday, June 8, 2012
Nakakita ka na ba ng puno ng akasya? Di ba't malalabay ang kanyang mga sanga, malalago ang mga dahon at malalaki ang mga ugat? Napapansin mo rin ba ang mga pagtiklop ng dahon nito tuwing dapit hapon?
Marahil isa ang puno ng acacia na mapahahalintulad ng aking sarili. Bagaman at di perpektong aakma upang ikumpara ko sa isang matatag na puno ng acacia ang aking payat na katawan, masasabi kong kahintulad ako nito sa maraming bagay.
Ang malaking mga ugat ng acacia na mahigpit ang kapit sa lupa ang tumulong sa kanya upang di mabuwal sa gitna ng unos. Katulad ko, may dumarating na mabigat na problema ngunit ito ang ginagamit upang lalo pang maging matatag.
Ang malalabay nitong mga dahon na nadudulot ng magandang lilim ay nag-aanyaya upang magbigay ng ginhawa at pahinga sa sinumang napapagal at nabibigatan. Parang ako. bagaman di ko kayang magbigay ng lilim, laan naman ang aking sarili upang mag-abot ng tulong at serbisyo...magbigay ng tuwa at saya. Isang mabuting kaibigan at masayang kasama.
Sa pagtiklop ng mga dahon nito sa dapit hapon, hudyat na ng pamamahinga matapos ang maghapong pakikipaglaban sa matinding init ng araw at malakas na buhos ng ulan. Matapos ang aking maghapong pakikipaglaban sa buhay, paghahanap ng sulosyon sa mga problema at pagtatagumpay sa mga pagsubok ay oras ko naman upang ipahanga at bigyan ng ginhawa ang aking sarili at muling ihanda sa panibagong hamon ng bukas.
by: Christine Aubrey Galicia
from: Ang Gayang Archives June-November 2007
This entry was posted on Friday, June 8, 2012 at 7:34 PM and is filed under Ang Gayang Archives. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.
- No comments yet.