Recent Comments
Guinayangan From The National Archive
Posted by Anonymous in archive on Monday, February 15, 2010
1768
Ito ang nilalaman ng unang sulat na may petsang 1768 na nagsasalaysay sa nangyari sa nalilihim na araw sa Guinayangan, Puerto de cabibihan noong 1767.
Ang mga patlang na may tandang pananong __?__ ay mga hindi maintindihan o nawawalang salita
Ang manga Mag__?__at manga mamamayan sa Bayan ng Guinayangan na zinira ng mga caaway na Moros, Jurisdicion nang Prov. a Ng Tayabas, domodolog po cami nang__?__galing at pangangayopapa sa harap nang S. Capp.n D.n Fran.co de sanJuan Hocom nang H.P. at Capp.n sa digma ditto sa tinorang Prov.a sa daang pahintulot nang matuid, at an gaming uica: Ay sapagca nang taong tinalicdan na anim na puo at piton nang Buan nang Nov.e napapaligiran disin nang tatlong puo’t dalawang sasacyan nang manga Moros ang lugar nang Cabibihan na paglalagyan nang manga caaway na tatlong araw at talong gaby, nacondangan naroon ang aming Hocom, ay matatalo nanga caaway onabaga ang P.Dios, at domating naman ang socorrong taga Gumaca, sampo nang taga Atimonan nasiyang y pinagtacbo nang manga Moros, nadahilan sa capanganibang malaqui sa tinorang mga caaway, ay y pinagutos po niyang malis sa sinabing Cabibihan, at magtipon sa Bayan nang Gumaca hanggang walang utos ang Sup.or Gov.no nitong sangcapoloan, Ay sapagca nang domain ang S.Obp.D.n Fr. Ant de luna pinagotosan cami na homanap nang y sang lugar namabuti, nasukat mapaglagyan nang bayan naming, ay cami nacaquita sapag y tan nang Gumaca at Capalongan nang Amihanan at lugar nang (pinaglipatan) at doon cami napipizan at cami y (gumaua ng dingding) at tatlong Castillong cahoy na mal__?__mabuting lugar , at may mabuting tubig at manga lupang buquirin pagcabuhayan nang manga mamayan caya hinihingi naming sa dati mong pagca maauain nacami mangyaring tolongang homingi nang Luz.a sa Sup.on Gov.no nang pagparati sasinabi nang lugar nang Apar, sapagca sa dati naming Bayan ng Guinayangan ay malaquing lubhang panganib sa manga caaway, nahangan sirain nila ay cumlat na ang manga tauo sacagubatan at ang y’bay sa manga Bayang canilang napatongohan nang pagtacbo zamalaquing tacot za manga Moros nazalahat nayto.
Ay hinihingi naming ay y pinagaamo sacaniyapo, namangyaring pacamtan sa amin ytong aming daying yayamang ang ninanasa naming ay ang mabuting pagsisilbi sa P. Dios at sa H.P. natin at uala saanomang casamaan nadina damayan naming nang __?__.”
1782
Nilalaman ng pangalawang sulat na may petsang 1782. humihiling ito ng armas at nag-uulat ng pagkamatay ni Padre Sisen de Pablo Nogrobejo. Kalakip ang sulat na ito ang bagong katatayuan sa Guinayangan alias de Apad. Tinutukoy din ang sukat ng bagong pamayanan at petsa kung kailan ito isinulat.
Ang mga patlang na may tandang pananong __?__ ay mga hindi maintindihan o nawawalang salita
Rev. Senor Fr.Don. Anth. Gallego
Cami ang manga natorales natongmatahan dini sa bagong vesita na pinanganganlang Vinias sacop nang bayan nang Apad provincial ng Tayabas, matandat bata naniniclohod at nagpapatirapa at homahalic sa manga mahal at benditong talampacan nang aming Panginoon S. Host.no. sa lahat at dito sa buong teore.n nang Cazeris naang aming ydinadaying ay pagcalooban nang iyong awa at tolong dini sa aming Pagcalagai na cahapishapis at arao gaby ay lobha caming nanganganib sa manga Morong caawai: at uala caming armas nainaasahang ilalaban, lalopa ngaion nang cami nangolila sa nangangalaga saaming Padre Cora Sisen D Pablo Nogrobejo, yngatan nang P.N. Dios na ang lahat dini sa amin nanhingaba nang caniang pagcamatai at ynaasahan naming macatotolong salalong manga Pono nang paquiqui maawa nang lahat naming casalatan at malaqui ang caniang pagsisiyasat sa lahat na pagpapagawa nang aming caibayan dini sa aming pagcalagai na nasabi nang Vesita, caya ngayoi pinagysa at binoo naming ang aming loob na manga matanda’t bata na domaying sa boo mong capangyarihan na ipinatalaga nang Pn. Dios ang nasabi nang armas na baling y pagcaloob nasucat naming asahan na macatolong nang manga pana na y harap sa nasabing caauai nang __?__ at ytanamang __?__nanasabina at apat na Castillo sa apat na esquina ay awa ng P. Dios ay yari na at paraparang libot nang dingding na ang dalwang pitong bara ang taas nang __?__ caapat nang esquina at ang dalwa naman ay __?__ limang bara ang taas sampu __?__ casama ang Mapa nitong pagcalagai nang bayan at manga ylog nanagmomola sa cabilang dagat nang matanto at matalastas nang Senior Host.o at nang ibapang mga __?__ at sa Mahal S.Host. na aming ama at P.N. maawaen at mapagsaclolo sa manga anac na domaraying. Ytoi hanggang binohai cami nang Pn. Dios at nang manga anac na ang aming __?__ naming ay an gaming cataoan __?__ itinalaga sa balang __?__ nang __?__ at ng sipag __?__ ang lahat matandat bata __?__ na etoi pinag caisahan __?__ sa ngayon __?__n.no 3 1781 Anos.
-from the book "Guinayangan Noon At Ngayon" by Mrs. Alodia F. Molines
ref. Philippine National Archive, Erreccion de los Pueblos de Tayabas
This entry was posted on Monday, February 15, 2010 at 4:56 AM and is filed under archive. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.
- No comments yet.