Recent Comments

Halamang Lubigan

Taong 1950, ang Barangay Lubigan ay saklaw at nasasakop pa ng Brgy. Dancalan Central. Sa kadahilanang ang Brgy. Dancalan Central ay napakalaking barangay , napagkaisahan ng mga tao na nakatira sa gawing kanluran karatig ng Barangay Villa Hiwasayan at gayundin ang kabilang panig na karatig na Barangay Manggalang na humiwalay at magkaroon ng sariling pagpapasinaya. Nagsisilbi ring dahilan ang lubhang napakalayo sa sentro ng pamamahala ng Dancalan Central.

Nang sumunod pang mga taon, ninais na ng mga mamamayan na tuluyan na silang humiwalay sa Dancalan Central at maging isang barangay na may sariling pamahalaan. Nasunod nila ang mga pangunahing pangangailangan upang payagan silang maisakatuparan ito. Kagaya ng pagkakamayroon ng tatlumpung pamilya at kabahayan na nananahan sa nasasakupan. Taong 1955 ng ihalal ng pamayanan dito ang kauna-unahang nilang Tinyente del Barrio sa katauhan ni Ginoong Felix Cayabat. Kasama niya sa panunungkulan sina Ginoong Ramon Quina at Ginoong Hilario Malaluan.

Ayon sa salin-salin na kwento ng mga tao, ang pangalan ng barangay ay nagmula sa isang uri ng halamang gamot na Lubigan. Sagana ang halamang ito na nakatanim sa malawak na kalupaan na sakop ng baryo. Karamihan ng mga kalupaang ito ay pagaari ng Pamilya Pedregal, isa sa mga unang tao na dito'y naninirahan. Nakasanayan na nila na tawaging Lubigan ang lugar, hanggang ng sa ito ay maging ganap na barangay. Ito na rin ang napagpasyahan nilang ipangalan.





































 Hand Sketch Map of Brgy. Lubigan
















ref: Sec.Ariz Maranan- Brgy.Lubigan
ref: Treas:Merilyn Maranan-Malaluan-Brgy.Lubigan

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails