Recent Comments

Villa Ni Wasay


Sa katimugan ng bayan, matatagpuan ang mahabang ilog na nagmumula sa    bulubunduking wasay. Mahaba at pinakmalaking ilog sa buong Guinayangan ang bumabagtas sa buong barangay. Isang dam ang naipatayo ng pamahalaan sa ilog nito. Nagsisilbing patubig o irigasyon sa mga pananim ng mga kalapit na barangay kagaya ng Arbismen, Ligpit Bantayan, Dangcalan, at Sintones.

Kulang 500 daang katao ang nainirahan sa lugar na ito ayon sa nakaraang sensus. Mayaman ang lupa at masagana ang mga pananim likha ng masaganang tubig na bumabagtas na ilog. Mabundok ngunit minsan ay may mga kapatagang naglilikha bilang pastulan ng mga kalabaw, kambing at baka. 

Ayon sa kasaysayan, si Bonifacio Villareal ang unang nanirahan sa tabi ng ilog kaya Villa Ni Wasay ang tawag sa pook. Sa kalaunan, Villa Hiwasayan ang itinuring dito.

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails