Recent Comments
Guinayangan Dictionary
A
Abyad Asikaso (Abyadin mo na ang kapatid at papasok na!)
Adyo Umakyat (Umadyo ka na at hintayin mo ako)
Agipo Sunog na panggatong na kahoy (Umaapoy pa ang agipo)/Amber
Agwanta Magtiis (Agwanta ka muna at mahirap pa ang buhay)
Aguyod Sabay-sabay o sunod-sunod na dumating (Pang-aguyod kayo ngayon a!)
Ahon Akyat pataas (Aahon nap o kami ng bundok)
Ampiyas Tilamsik ng ulan (Lakas ng ulan, umaimpiyas na sa loob ng bahay.)
Anayo Nuno sa punso (Wag kang turo ng turo, baka ma-anayo ka)
Angas Mayabang (Ang angas mo kumilos)
Anggo Masarap o Masamang lasa at amoy ng laman ng baka
Akitin Anyayahan sa isang handaan o lugar
Alapato Lumilipad na baga na nanggaling sa nasusunog na bagay
Andam Handa
Antak Kirot (Umaantak ang sugat ko.)
Antipara Gamit proteksyon ng mangingisda sa mata sa pagsisid sa dagat.
Asa-wahin Nasa tamang edad sa pagpapakasal
Atona Tayo na!
Awantaba Hindi ko alam (Aywan ko ba)
B
Bala-bala Kunwari (Bala-bala’y hindi sayo ang damit mong suot)
Baak-baak Hati-hati, Biyak-biyak
Bag-as Malaki ang katawan, Matipuno
Bahaw Tirang kanin
Bahay-nayon Baranggay Center
Bahugan Pakainin ang alagang hayup (Bahugan mo na ng sagmaw ang baboy)
Baktot Dala-dala, pasan sa likod
Bikil Namagang laman dahil sa pabirong suntok (Yano ay! bumikil tuloy!)
Balagbag Nakaharang (Nakabalagbag ang poste sa daan)
Balagwit Dala-dala ang isang bagay sa tulong ng mahabang kawayan o kahoy
Balaw Alamang
Balinghoy Kamoteng kahoy
Balinsot Baligtad
Banas Mainit (Binabanas na ako, pahiram ng ng pamaypay))
Bang-aw Sira-ulo, Baliw
Bang-i Mabaho, Mabantot
Bang-gerahan Lababo (Dalhin mo na ang mga pinggan sa banggerahan ng mahugasan na)
Bang-goy Maling pagkakaluto lalo na sa talong (Nabanggol ang talong na pinakuluan mo)
Bangkukang Ipis
Banlin Kulungan ng baboy
Bano Tanga, baguhan (Wag kang babano-bano sa Maynila ha.)
Bantilaw Nahilaw na sinaing
Balo Naengkanto (Nabalo ako sa linang)
Banlag Medyo may pagkaduling ng mata
Babag Away (Wag ng kayong magbabag sa harapan ko)
Bigwasan Suntokin (Pag di ka tumigil, bibigwasan kita!)
Basil Uri ng uod na nagiging mariposa (Ang basil ay makati sa balat pag napadampi)
Bantuan Buhusan ng mainit o kumukulong tubig
Bantukan Paluin ng kahoy sa ulo
Baoy Pambabawi sa salita ng binigay na bagay o tulong, Indian Giver
Basyad Hasa, Patalas (Ipabasyad mo ang gunting at kutsilyo)
Batikal Pukol, Hagis (Batikalin mo ng bato)
Batok Kahol ng aso
Batutoy Uri ng shellfish
Bihog Aeta, Ita
Binangi Inihaw (Inihaw na kamote o saging o mais)
Binayo Uri ng kakanin na gawa sa pinakuluang saging o kamoteng kahoy
Bingkas Natanggal
Biswak Nahati
Bugawin Paalisin ang hayup o langaw(Bugawin mo ang mga langaw)
Bugalwak Bumulwak, biglang lumabas ng marami
Bugnoy Niyog na me masama ng amoy
Bukitkit Halughug, Hanapin (Bukitkitin mo ang bag at baka naroon ang pitaka ko)
Buklo Nabaling sanga
Bulaanin Sinungaling
Bulalong Dikya (Black or Brown Jelly Fish)
Bulaw Biik/Piglet
Buli Buri
Buli-buli Nasobrahan ng pagkain (Nabuli-buli sya, ayon ang sakit ng tiyan nya ngayon)
Buslot Lumusot ang paa sa siwang ng sahig (Marupok ang sahig, baka kayo mabulsot)
Bulus Malambot na dumi ng tao/LBM
Bungog Bingi, Bobo
Bunsol Sulo/Torch
Busingaw Lasing
Busa Paputukin ang balat (Pa-busahin mo ang mais bago ilagay ang lahok)
Busangol Mahaba ang nguso
Busdi Lumabas ang likido (Nabusdi ang ice water na binili ko)
Buswak Bumuka
Buswang Lumabas
Bute Malaking sugat na matagal gumaling
Butwa Pumaibabaw sa tubig
D
Dagas Sagasa (Nadagasan ang aso kong si tagpi ng jeep)
Dag-as Pawis Namamawis ng malakas
Dagsawin Tubig na gamit sa bahay ngunit hindi pwedeng ipang-inom
Dagubdob Malakas na kaba ng dibdib
Dait-dait Dikit-dikit
Damakan Pagsasalo-salo ng pagkain sa isang lalagyan/ Budol Fight
Damusak Kalat ng tubig
Damputin Pulutin
Dapil Namamawis ng malamig at nahihilo (Tumagay ng hindi pa kumakain, ayon nadapil)
Dasig Isod, Ipod (Pkidasig po ng konte para makaupo ang lahat ng ayos)
Dasig-dasig Mabaho,wala pang ligo
Dasik Punong-puno (Kasya pa yan, dasikin mo pa ng konte)
Dukhaw Abutin (Dukhawin mo para makuwa)
Duldol Ipilit (Ipagduldulan ba yung paninda)
Dulos Uri ng itak na panggamas sa halaman
Dupang Suwapang
Dyako Mga walang halagang isda na ginagawang bagoong,pakain sa hayop o pataba sa lupa
Dyobos Tina o pangkulay sa damit, at sa tulingang isda na tinitinda
Dyolen Holen
E
Everyday (they insisted it's not Eveready) Isang brand ng battery
G
Gagaod Aalis
Gala Mamasyal
Gamas Pagpuputol ng damo (Mag-gagamas kami sa bundok)
Gauntik Kamuntik (Gauntik na akong mahagip ng Bus)
Gayak Maghanda ng dadalhin paalis (Gayak ka na ba?..Paalis na tayo)
Gayat Hiwa (Gayatin mo na ang mga gulay at lulutuin ko na)
Ginanga Pinaksiw
Ginatungan Inudyukan/Dare
Gitla Gulat, Sorpresa (Nagitla sya ng sumigaw ako, ayon nahulog sa bangin,patay!)
Guyam Langgam/ Ants
Guhit Tulog (To the notion dreaming is like painting a drawing)
H
Hagas Inis, Yamot ( Nakakahagas ka naman, hindi mo dinala yung pustiso ko)
Haguri Hagudin (Haguring maige para maunat)
Hakwati Buhatin
Halbat Hablot
Halo Pambayo ng palay
Halwatin Halukayin, Agawin
Hamo-hamo Gahaman, Gusto lahat sa kanya
Hampok Nahilaw at maling pagkakaluto
Hanlaw Banlaw (Banlawan mo na si bunso at nasisilam na sa sabon)
Hantik Uri ng malalaking langgam
Happy Landing Dating daungan ng Bangka sa Guinayangan
Hawong Mangkok /Soup Bowl
Hibas Mababang Tubig sa dagat/Low tide
Hibasan Panghuhuli at pangungulekta ng lamang dagat tuwing hibas sa aplaya.
Himasa Paghuhugas sa ari ng babae pagkatapos umihi
Hinawi Hugasan (Mag-hinaw muna ng kamay bago kumain)
Hindag Magpapalipas busog
Hingaw Nawala ang pagkalasing
Hiniksik Panghihinguto ,Pagaalis ng kuto sa buhok
Hinuko Pagugupit ng kuko
Hugasi Hugasan (Aba! Ay hugasi yan ng hindi mangamoy)
Hupyak Adik
Huyok Sanga ng kahoy na bumababa
I
Ihing Alabat Tumatakas sa inuman o tagay
Ibulubod Italing paikot
Ilado Paglalagay ng yelo sa hilaw na isda para manatiling sariwa.
Im-bimbiw Isang uri ng larong pambata
Imikin Sabihin
Impis Linisin, Itago, Itabi (Impisin na ang mga kalat)
Inakit/Akitin Niyaya-Yayain (Akitin mo nga si Janela na sumamang sumimba.)
Iskad Ayos ng buhok, may nakataas sa likod
Ispat Flashlight
Itsa Ihagis,itapon
K
Kabaak kahati o kalahati o kabiyak ang ibang anyo nito
Kabingkay Maliliit na kabibi (Shellfish)
Kalagi Alisin sa pagkakatali
Kalantigas Uri ng malaiit ng alimasag
Kalantog Nilikhang ng isang kahoy sa pagkabagsak sa sahig
Kalibongbongan Pagkaguluhan, Mga taong usyusero at usyusera
Kalumpit Uri ng prutas na parang duhat
Kanawin Haluin (Kanawin mo ang asukal sa kapeng may mainit na tubig)
Kandingga Bopis
Kapulong Kausap
Karapin Multuhin ng pumanaw na kamag-anak o kakilala habang natutulog
Kasag Alimasag/Blue Crabs
Kasagsagan Nasa gitna ng pangyayari
Kasigbay Katabi
Katang Alimango
Katarato Kausap
Katataspulong Kasali sa usapan
Kahanggan Katabi ng pagaari o nasasakupang lupang pangsakahan
Kaung-ungan Laging kausap
Kawarit/Kawasa Kasi naman (Kawarit hindi nya inubos agad, nakain tuloy ng pusa)
Kawot Sandok
Kayakas Tuyong dahon ng niyog
Kayangkang Balat ng paige ng sugat
Kayuran Kudkuran
Kimpi Talangka
Kinaligkig Nangilig, Nilamig ang pakiramdam
Kinalingking Piniritong maruya na gawa sa kamote o saging
Kostal Sako
Kulbit Kalabit (Kulbitin mo ng magising)
Kuhaw Kuwago
Kuhit Uri ng minatamis na prutas
Kulob Kulong
Kuryugin Duwag
Kuyapot Dumikit
Kuaderno Sulatan na papel/ Notebook
Kwaket Uri ng Hipon
L
Labsak Malambot at mamasamasa
Labtik Tirador/ Slingshot
Labtok Paltos
Laso Singaw sa labi
Lag-okin Lunukin ang tubig
Lagabog Malakas na tunog ng isang bumagsak na bagay
Laginit Tunog ng kawayang sahig kapag natatapakan
Lagublog Dumagundong
Lagunot Langit-ngit ng sahig
Laib Dahon na darang sa apoy
Laksi Utos para lakasan (Laksi mo ang tunig ng radio)
Lala-uhan Kakahuyan sa tabing dagat /Mangrove Forest
Langis Mantika/Cooking oil
Langgas Hugasan ang sugat( Maglanggas na ang bagong tuli)
Lanig Prutas na nabugbug
Lantern Uri ng dikya
Lantot Lalambot-lambot
Lapatan Hampasin
Lapirot Lamas ( Huwag mong lapirotin ang puwit ko)
Lapni Maliit na sugat sa ari ng lalake
Larga Alis
Lechehan Takalan ng bigas sa pagsaing, lata ng mayapot na gatas
Libok Likot (Napakalibok mo naman)
Ligat Kunat
Ligwak Natalo (Naligwak ako nyan sa pacontest sa bayan)
Linang Bukid
Lino Tubig na galing sa ilawang hugas ng bigas
Lipay Uri ng damong halamang Makati sa balat at pakain sa baboy (Makati ka pa sa lipay)
Lipote Uri ng prutas na parang kalumpit o duhat
Litik Bitak
Lokal Mahinang klaseng produktong imported (na kadlasan ay gawa at galing sa China
Lub-ak Lubak na daan
Lug-oy Matamlay (luluog-oy lug-oy ka na naman)
Lukad Copra
Lukaran Lutuan ng Copra
Lukban Suha
Lumod Lulon
Lung-ad Naduwal
Luno Malambot na alimasag o hipon
Lusi Ilulos ang balat ng ari na supot upang makita ang ulo
Lusong Bumaba ng bundok
Luway-luway Dahan-dahan
M
Magabok Maalikabok
Mabalam Maabala Matagal
Mabibigwasan Masusuntok
Makarhat Mapait-maasim na lasa ng suha
Mag-asta Magpakita ng ugali at personalidad
Maglabar Magpunas gamit ang labakara (Half bath)
Mag-uli Mamasyal (Naguuli sila ngayong sa bayan)
Magdikit Maghanda ng kalang di uling, Magpaapoy para makapagluto
Mahalang Maang-hang
Mahuna Marupok
Mamay Tatang, Nanang, Lolo, Lola
Mamakamaka Tanging natitira (Mamakamaka ko na nga lang na pera, nanakaw pa)
Mamungkal Maghanap ng makakain sa kusina
Mapang-hi Mapalot
Matab-ang Matabang
Mayohan Pista ng baryo kahit hindi buwan ng Mayo
Mulaga Malaki ang mata
Mumo Nagkalat na butil ng kanin sa sa ilalim o sa mismong lamesa
Musdot Simangot (Nakamusdot ka na naman dyan!)
Mustra Ipaliwanag ?/illustrate
N
Nagkanyugan Nagkameron ng taniman ng punong niyog (Nagkanyugan naba kayo noon?)
Nabanlian Nabuhusan ng mainit na tubig
Nabingkong Nahiwit/Naliko ang talas (ng itak o gunting)
Nakabalagbag Nakaharang sa daan
Nanuno Namatanda, Nabati
Nangabong Nangamoy
Nangalatuat Mangalat (Nagalatuat pa ang mga kasamahan mo sa bayan)
Natalampunay Sabog, Wala sa sarili
Natig-akan Naluugan
Naumay Nag-sawa
Nautdo Naputol
Ngalot Tunog ng ngipin ng isang natutulog
Niknik Uri ng kulisap sa tabi ng dagat na makati sa balat
Nilabon Pinakuluan (Kumain ka ng nilabong saging)
Niyubak Uri ng kakanin
Nyurod Isang Lugar sa Guinayangan/ from the English word “ New Road”
O
Oragon malibog
Oten-oten Uri ng kakanin na gawa sa binayo at piniritong saging
P
Pabile Pagbilhan
Paali-alihid Padikit-dikit
Paanyo Magluto
Padaskol-daskol Paulpot-ulpot
Pahi-in Burahin/Erase (Pahi-in mo ang nakasulat sa pisara)
Pakati Alisin ang tubig
Paklang Dahon ng saging
Palamig Sa-malamig
Palang Hinati-hating isda o karne/Sliced
Palapa Tuyong dahon ng niyog
Paluan Baseball/Softball
Pamutat Panghimagas/ Dessert
Pandalas Nagmamadali
Pang-iwang Pampahid sa puwet matapos dumumi/ Toilet Tissue
Pangkal Bobo, Mahina umintindi, Hindi magaling sa klase o sa laro
Panglaw Takot sa multo o maligno
Paragos Sasakyan ng tao na hinihila ng kalabaw na walang gulong
Parine Halika
Pasala-sala Mali ang mga sinasabi
Pas-anin Buhatin
Patlay Isdang payat at maliit na parang stick
Patpat Maliit na pamalo na gawa sa kawayan
Patulad Pakopya (sa exam)
Pauli-uli Paikot-ikot, Pa-galagala
Pigtal Napatid sa paaagkakatali
Pik-iw Saging na maraming buto
Pila Baterya ng flashlight
Pinaglunuhan Pinaghubaran (Nagkalat ang pinaglunuhan ng mga bata sa kwarto)
Pinaw Alisin sa pagkakasamapay (Pinawin na ang mga tuyong damit)
Pingas Nabawasan
Pirmi Palagi
Pispisin Alisin ang kalat na kanin sa pamamagitan ng palad
Pitiw Baliw, Sira ulo
Pondilyo Parte ng pantalon
Pulad Sumpit
Punggod Tagihiyawat
Pupuyan Uri ng kahoy na mainam pangbakod
Puta Kulay ng puting damit na kumupas na, o maduming puting damit
R
Responde Kasunod
Rebansa Balikan, Ulitin
Riparu Napansin (Hindi ko nareparu lahat)
Repite Ulitin
Rugado Masyadong gamit, Gasgas
S
Sagmaw Kaning baboy
Saka-saka Bukas na lang
Salabay Jelly Fish-Sea Wasp
Salapi Limampung sentimo
Saltik Patama sa katawan
Saludsod Native hotcake
Sam-id Nahirinan
Sampiga Sampal sa mukha
San Fernando Uri ng halamang gabi
Sanday Dantay ng paa sa katawan ng iba
Santan Matamis na bao
Sisi Talaba
Sibasko Malakas na hangin at alon sa dagat
Sibid Maliit na bangka
Sinsilyo Barya
Sintones Kalamansi
Siping Tabi sa pagtulog (basta tulog lang!)
Sarubot Ginatang hilaw na saging
Syorpit Cap
Sukal Dumi o kalat (Napakasukal naman ng kwarto mo)
Sukbong Suot sa ulo
Suko Nakatungo na ang ulo dahil mababa ang kesame o mataas ang tao
Suklo Deformed
Sulpot Ulpot, biglang dumating
Sunip Naimpeksyon na sugat (Nasunip yata yong sugat ko)
T
Tabsing Alat na tubig
Taga-Lopez Matakaw sa pulutan
Taib High tide
Talang Nagkamali
Taling Nunal
Tamban Hindi pagpasok sa eskwela, bulakbul
Tampal-puke Uri ng isda na malapad
Ta'nga Sakit ng kamote
Tanganan Hawakan
Tanghod Nakatanga sa isang bagay o tao o lugar
Tapuyong Sapok, Sampiga
Tapyas Bawas sa tabi
Tarak Tirik ang mata
Tatsing Uri ng larong pambata
Tigib Bangkang parang lulubog na sa dami ng pasahero o laman
Tigkalin Tanggalin
Tigmaok Patay
Tiik Sakal
Tikal Tanggal
Tikang-kang Bulagta, Natumba ng patihaya
Tikin Mahabang kahoy o kawayan gamit sa bangka
Tikwas Baligtad
Tilabsik Tilamsik
Timbog Tama sa madyong
Timbulan Salbabida /Lifebouy
Tindok Uri ng saging na mahaba at malaki
Tingkayad Upong pabukaka
Tangkoraw Patingin ako
Tingnimo Tingnan mo
Tinuto Laing
Tinadtaran Laing na may palamang tinadtad na hipong ilog at niyog
Tintalangkin Tintang pangkulay sa sapatos
Tolda Pambubong na yari sa lona o tarpauline
Taplod Bubong ng trak na yari sa lona (from the english word Top Load)
Tsitsu Uri ng larong pambata
Tubigan Patentero
Tubalin Maruming damit (Aki na ang mga tubalin mo at lalabhan ko na)
Tubol Matigas na dumi ng tao na lumulutang sa dagat
Tinitibi Hirap sa paglabas ng dumi/Constipated
Tuklong Kapilya sa barangay
Tungaw Maliit na insekto
Tungkab Tanggalin ang pagkakadikit
U
Ubak Yabang (Maubak yang taong yan!)
Ugtol Talbog - katulad ng bola
Ulapot Pantal pantal sa balat
Ulay Maliit na bulate
Ultaw Nakalabas ang ulo o aling bahagi
Ultan Tuksuhin (Ay paano inuulitan nila ako kaya ko sila binoldyakan!)
Upli Uri ng dahon na kahalintulad sa sandpaper na ginagamit sa pagpapakinis ng kahoy
Uslit Nakalabas
Usngal Hitsura ng mahaba ang nguso
Uteng-bundok Uri ng isda na pahaba ang hugis
Utwa Nakalitaw
Y
Yapot Lapot (Yapot ng sabaw)
Yatak Latak
Yaya-on Aalis (Ay sya! Ay yayaon na muna kami)
Yurit Pisang-pisa