Recent Comments

Ang Mga Isda Ni Mang Tonyo


Bago pa lamang sumisikat ang araw ay dumadaong na sa pampang ng dagat si Mang Tonyo. Punong puno ito ng mga huling isda.

Agad na lumapit kay Mang Tonyo ang tatlo niyang suking mamimili. Pinakyaw ni Aling Sita ang sampung kilo ng mga huling galunggong.

Inubos naman ni Aling Linda ang limang kilong bisugo at sapsap. Samantalang pinakyaw naman ni Aling Nida ang apat  na kilong alimasag.

Umuwi na sa kanilang bahay si Mang Tonyo bitbit ang halos tatlong kilo ng malalaking pusit. Nahuli niya iyon sa gawing kailaliman ng dagat.

Tuwang tuwa si Aling Marta sa malaking kinita ng asawa. Umabot din ng limangdaang piso ang napagbilhan sa mga galunggong. Binayaran naman ni Aling Linda ng tatlong daan ang bisugo at sangdaan sa sapsap.

Inabutan  din ni Aling Nida ng apat na daan ang para sa alimasag.
Makakabili na rin sa wakas si Mang Tonyo ng mga yerong pambubong ng kanilang bahay. Kailangan na iyong matapos bago dumating ang nalalapit na tag-ulan.

Salamat sa mga isdang nahuhuli ni Mang Tonyo. Nagiging maayos rin ang pamumuhay ng kaniyang pamilya.



Kwento ni Melka Jusi
Inilathala sa Ang Gayang Hunyo-Nobyembre 2011


About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails