Recent Comments

Showing posts with label barangay brief history. Show all posts

Paglulon

Noong 1896 dumating ang mga pamilya ng Apolonario Porlay, Adriano Cataquiz at Catalino Servando sa sabang ng Capuluan. Naibigan nilang manirahan sa baybaying ito na may dalawang nakaungos na punta na parang pulo, kaya tinawag nila itong Capuluan.

Sumunod sa kanila ang mga Purio, Olivera at Malana. Sa pamumuno ni Ciriaco Beco (Ka Dacoy) ang mga Batanguenio ay nanirahan sa sitio ng Nabangka, na sakop ng Capuluan Central
Nahati sa dalawang barangay ang Capuluan, ang Central at Tulon noong taong 1927. Nagsilbing hangganan ng dalawang baryo ang isang lugar na tinatawag ng matatanda na Banay-banay at Mangalkaw. Ang kauna-unahang namuno dito ay si Kapitan Felagio Cueto, ang mga sumunod ay si Kapitan Felomeno Corato, Kapitan Victor Cleope, Kapitan Rudolfo Rosales, Kapitan Ladislao Cueto, Kapitana Luisa Dadulla. at sa ngayon ay pinamumunuan ni Kapitana Helena Peñero.

Mga pamilyang Cleope, Rosales, Macatangay, Corato, Baha, Alday at Banog ang mga unang nanirahan dito. Sila ang nagpayaman ng lugar. Nagsaka ng lupain. Nag-ani ng yamang ilog at dagat na binabaybay ng baryong ito hangang sa namana na ng mga kasalukuyang angkan.

Ang baryo ng Capuluan Tulon ay nahahati sa mga sitio ng Duhatan, Bayog, Pantay, Himawid, Site/Centro, Sabang at Tulon. Ang Sitio Sabang ang may pinakamalaking bilang ng mamamayan. Ang bayanan nito ay binubuo ng mas maraming kabahayanan. May sarili itong kapilya at basketball court iba pa sa mismong Barangay Center malapit sa Daang-pambarangay.



Binagtas ang baryong ito nang isa sa pinakamalaking ilog ng Guinayangan. Ang ilog na ito ay nagsilbing "natural boundary ng dalawang sitio na may parehong pangalan, ang Sitio Sabang ng Barangay Capuluan Tulon at Sitio Sabang ng Barangay Arbismen. Sa gawing kanluran ng ilog malapit sa hanganan ng karatig barangay ng Sintones ay matatagpuan ang lugar ng Tulon. Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay paglamon o paglulon ng tubig sa salitang Bisaya. Dito isinunod ang pangalan ng barangay ng mahati  sa dalawang baryo ang Capuluuan.



Apolonario, Mauro At Benigno

Isang baryo sa itaas ng kabundukan na nasasakop ng Guinayangan ang A.Mabini. Karatig nayon ng Sta.Maria at Magallanes.Nagsisilbi itong bukana ng dalawang barangay at gayon din ang unang barangay na nasasakupan ng karatig bayan na Buenavista.

Bilang isa sa may pinakamataas na barangay ng bayan. Sikat ito sa napakagandang tanawin at mas malamig na klima lalo na sa gabi at madaling araw. May sariling paaralang pang elementarya, at mga pangunahing gusali ng isang barangay. Malawak ang bukirin na pinagtatamnan ng mais palay gulay at punong niyog.

Ang kalupaang bumubuo ng A.Mabini ay nagmula sa matatandang baryo ng Ligpit-Bantayan at Villa Hiwasayan.

Tinawag na A.Mabini ito hango sa unang pantig ng pangalan nina Apolonario Marquez. Mauro Pedrezuela at Benigno Carpio. Sila ang mga unang taong nanirahan at nag may ari ng kalupaan. Si Benigno Carpio ang unang naging Tinyente del Bario.

Nakasanayan ng mga mamayan na banggitin na lamang sa pangalang Mabini ang naturang barangay, at hindi na isinasama pa ang letrang "A". Marahil siguro bilang praktikalidad sa pang araw-araw na paguusap at transaksyon. Ngunit ang tama at opisyal na pangalan ng barangay ay nanatili pa ring Brgy.A.Mabini..

Ilog Kaimawan

Ang Brgy.Dancalan Caimawan ay dating sakop ng mas malaking baryo ng Dancalan. Si G.Dionisio Delen ang kauna-unahang naging Tinyente del Baryo. Sa kasalukuyan, ang barangay ay pinamumunuan ngayon ni Kapitana Severina Cleope. Ayon sa huling sensus ng pamahalaan, isang libo, isang daan at animnapu at dalawa (1,162) ang naninirahan dito.

Ayon sa matatanda, nang nagsipagdating ang mga dayuhan galing sa kabisayaan naghanap sila ng kahoy na gagawing bangka. Natagpuan nila sa gawing timog kanluran ng bayan ang tamang kahoy. Nagsimula silang namutol ng kahoy upang gawing mga Bangka. Wala silang mga panukat, ang gamit lamang nila ang kanilang mga kanilang mga kamay. Lahat ng mga kahoy na inilalabas dito ay “dinadangkal”. Nakasanayan na nilang tawagin ang lugar bilang Dangkalan sa kadahilanang ang mga kahoy na nagmumula dito ay kanila lamang dinadangkal .
Dumating ang araw na lumaki ang mamamayan na naaninirahan sa bahaging ito ng Barangay Dancalan. Napagpasyahan ng mga namumuno ng panahong yaon na humiwalay na at magsarili na bilang isang ganap na barangay. Dancalan Caimawan ang ipinangalan ng mga tao sa baryong ito, bilang dating bahagi ng Dancalan at sa ilog ng Caimawan na bumabagtas sa buong barangay





Aro Biscocho Mendoza (Brgy.Arbismen)

Ang sitio ng Iba na sakop ng Brgy.Dancalan ay dating pag-aari ni Don Francisco Garcia at G.Pefecto Rufo Sr. Hindi kagaya sa pangkaraniwang anyong lupa na nasasakupan ng bayan ng Guinayangan na mabundok at maburol, ang sitio Iba ay talagang kakaiba. Malawak ang pantay na lupa at matatanaw mo halos lahat ng bahagi ng nasasakupan nito sa kahit saang lugar. Bago pa man ito mataniman ng mga palay, mga buli at malawak na talahiban pa ang tumutubo sa dating malawak pastulan ng mga hayop. Nagsimula lamang lumawak ang pataniman ng palay ng nalagyan ng patubig ng pamahalaan. Mga 73 ektaryang sakahan na nasasakupan ng baranggay ang pinagyayaman ng mga masisipag na magsasakang dito nananahan.

Noong unang panahon, sa kadahilanang napakalayo ng lugar sa sentro ng bayan, kaunti pa lang ang kabahayan dito. Karamihan ng mga naunang tao dito ay nanggaling sa karatig probinsya ng Kabikolan. Madawag ang lugar at maraming maiilap na hayop kagaya ng usa, baboy ramo at mga ungoy na maliliit na tinatawag na makak. Dahil sa yaman ng lupa, marami pa ang nahalina na dito na rin manirahan. Hinawan nila ang lugar at ang dating kagubatan ay napalitan ng mga puno ng buli at niyog. Pagkalipas ng mga panahon ay nabili ang buong sitio ni Don Juan Gallego ng Camaranes Sur. Ito’y pinaunlad niya at ginawang hasyenda bilang pastulan ng mga baka at kabayo. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naiwan ni Don Gallego ang kanyang bakahan . Sa pagbabalik ng kaayusan matapos ang digmaan, nasira ang hasyenda ni Don Gallego at nawala na ang kanyang mga bakahan. Napagdisisyunan na lamang niya na ipagbili ang malawak na lupain kina G.Emilio Biscocho. Kay G.Regino Aro, at kay G. Gregorio Mendoza. Sila ay nagmula sa ibang bayan kagaya ng Sariaya, Quezon. Naging pag-aari ng tatlo ang buong Sitio Iba. Hindi sila naninirahan dito bagkus kumuha ng mga katiwala at nagpayaman ng kalupaan. Si Tranquelino Meligrito, ang mag-asawang Etang at Esteban Perez, na kalaunan ay naging kauna-unahang kapitan ng Brgy.Arbismen, ay naging katiwala ng mga Biscocho. Si Ka Bunoy ay naging katiwala naman sa lupain ng mga Aro at si Ka Oreste naman ang sa mga Mendoza.

Nang ang sito ng Iba ay humiwalay sa Dancalan at naging isang ganap na Barangay noong taong 1967, tinawag nila itong Arbismen. Hinango nila ito sa mga unang pantig ng mga pangalan ng Aro, Biscocho, at Mendoza, ang mga taong unang nagmamay-ari ng mga malalaking lupa sa baryong ito.
Unang naging Kapitan del Baryo si G.Esteban Perez, . Sinundan naman siya ni G.Oresteo Ramos. Nasakop ng programang agraryo ang lupain ng asyenda, napamahagi ito sa pamamagitan ng repormang agraryo ng pamahalaan sa mga tauhan at mga magsasakang nagtratrabaho dito. Sa pangkasalukuyan iba’t iba ng mga pamilya ang nagmamay-ari ng mga lupain sa Arbismen, ngunit ang pangalan nito ay nanatiling paalala sa mga tao na ang baryong ito ay dating pag-aari ng tatlong angkan.

ref. "Guinayangan Noon at Ngayon" by Mrs.Alodia F. Molines
ref. Mrs. Librada Rufo-Tan
ref. Mrs. Liwayway Pedregal-Rufo

ref. Mr. Gil Lumabi

Sa Malisgud

Dekada sisenta ng italaga bilang isang ganap na barangay ang dating kilalang Sitio Malisgud. Dating sakop ng isang lumang malaking barangay ng Himbubulo na ngayoy nahahati na sa dalawang baryo ng Himbubulo Este at Himbubulo Weste. Binubuo ng 178 ektarya na ang kalakhan ay nanggaling sa Himbubulo Este.

Ang mga unang taong nanirahan dito ay galing sa Kabisayaan at Kabikulan. Ang pamilya ni Ramon Quina at mga Esquilona ng Ragay, Camarines Sur ang mga unang nagyaman sa lupain nito. Ngunit ng ito ay naging ganap na barangay, napagdisisyunan ng mga mamayan, sa pamumuno ni Ka Igme Ilao, na ipangalan ang lugar galing sa isang maliit na barangay na nasasakupan ng bayan ng Sariaya, Quezon. Sa kadahilanan siguro na sa dami ng taong nangaling sa lugar na nabangit. Si Ka Uldareco Malihan ang natalaga bilang kauna-unahang Capitan del Barrio.

Binubuo ng mahigit 375 katao ang naninirahan dito ayon sa huling sensus. Binubuo ng halos 70% ay kaanib sa relihiyong Iglesia Ni Cristo. Si San Lorenzo Ruiz ang tinalaga nilang patron at ipinagdiriwang ito tuwing ika-29 ng Setyembre. Bagamat sa karamihan ng mga naninirahan dito ay hindi naniniwala sa tradisyon ng katolikong simbahan, ang pagdiriwang ay naiisakatuparan pa rin dahil sa maigting na pakikisamahan ng buong barangay.

Nabubuhay ang mga tao sa pagniniyog at pagtatanim ng mga halamang gulay. May mga tubigan at palayan din. Ngunit sa kadahilangang lubhang limitado ang patag na lugar bilang gawing patubigan,  karamihan ng ani ay para lamang sa sariling gamit ng magsasaka. May mga ilang ektarya na may pananim ng punong langka at pribadong gubat na binubuo ng mga punong Mahogany. Makikita ang animo'y gubat ng mga kahuyang ito sa gilid ng daang barangay at nagsisilbing atraksyon na rin sa mga dumadaan. Sa kasalukuyan, ang barangay ay pinamumunuan ni Kapitana Corazon Capio Moceros.




Paali-aliyung Mga Usa At Baboyramo

Sa matandang panahon ang malayong baryo ng Dungawan ay dating bahagi ng kalakhang barangay ng Himbubulo. Upang marating ang lugar, kailangang ahunin ang mataas na bundok na may madawag na kagubatan. Mga Aeta ang mga unang nanirahan dito. Sila ay nabubuhay lamang sa pangangaso at paghahanap ng bungang kahoy at prutas. Sa paghahanap nila ng mga baboy ramo at usa, umaakyat sila sa mataas na puno at nagmamasid sa paligid-ligid na parang nanunungaw. Pinanununghan nila ang dagat sa ibaba kaya tinawag nila ang lugar bilang Dunga-awan ang malawak na kagubatang ito.

 Naging isang barangay ang malaking Dungawan (bago pa humiwalay ang Dungawan Pantay at Dungawan Paalyunan) sa panahon ng Presidente Municipal Antonio Marquez.

Sa ibaba ng kabundukan ay matatagpuan ang Dungawan Paalyunan, galing sa salitang aliyun ng mga katutubong Aeta. Ang mga baboy damo at usa ay dito raw pagala-gala o paali-aliyun kaya binansagan ang pook na ito bilang Paalyunan. Nang humiwalay sa Dungawan Central, ito ay tinawag na Dungawan Paalyunan. si Diego Cabral ang unang naging Tinyente del Barrio ng kapanahunang iyon.

Parang Pulo

Noong 1896 dumating ang mga pamilya ng Apolonario Porlay, Adriano Cataquiz at Catalino Servando sa sabang ng Capuluan. Naibigan nilang manirahan sa baybaying ito na may dalawang nakaungos na punta na parang pulo, kaya tinawag nila itong Capuluan.

Sumunod sa kanila ang mga Purio, Olivera at Malana. Sa pamumuno ni Ciriaco Beco (Ka Dacoy) ang mga Batanguenio ay nanirahan sa sitio ng Nabangka, na sakop ng Capuluan Central. Nahati sa dalawang barangay ang Capuluan, ang Central at Tulon.

Sa mga sitio ng Capuluan Central, ang Sitio Nabangka, Plaza Kape at Bungalo ang nasa baybayin ng dagat. Ang aplaya nito ang may pinakamaganda sa lahat ng nasasakupan ng Guinyangan dahil sa ito ay malinis at hindi pa naabot halos na karamihan sa bayan. Mala asukal ang pagkapino ng buhangin nito sa baybayin, mababaw at akmang akma bilang paliguan.

Mas kilala ang buong Brgy.Capuluan Central bilang Nabangka. Sa katunayan nga ay marami pa ring nagkakamali na ang Nabangka ay isang barangay ng Guinayangan, ngunit isa lamang itong sitio at nagsisilbing kabisera ng barangay. Ngunit kagaya ng ibang lugar na may dalawang pangalan, batid naman ng mga nainirahan dito na ang tinutukoy nila ay iisa lamang.

Mayaman ang baryo sa biyayang dagat at handog ng matabang lupa sa katihan. Mahigit kumulang isang libo at limang daang katao ang nainirahan dito ayon sa nakaraang sensus ng pamahalaan. Masisipag at masayahing likas, at magaling makipagkapwa tao. Marami sa mga kabataan na likas na taga dito ay naninirahan at naghahap buhay  na sa ibang lugar o ibang bansa.





Manang Tikay

Mas sikat ang baryong ito bilang isa sa sa tatlong barangay ng Guinayangan na binabagtas ng pambansang daang bakal,

Munti at maliit ang mamamayan ngunit mayaman sa kasaysayan. Sa kadahilanang may malaking ilog na bumabaybay sa lugar, maraming tubigan at palisdaan ang naitayo ng mga negosyante dito. Binbuo ng humigit kumulang isang daan tao na masayahin ang kasalukuyang naninirahan dito.

Ayon sa matatanda, ang Danlagan ay nasakop ng Apad ng itatag ang Nuevo Guinayangan. Nang tumakas ang mga taga Viejo Guinayangan sa pananalakay ng mga pirata, sa baybay ng ilog sila dumaan.

Ang ilog ay tinatawag nilang Tikay dahil sa isang babaeng nakatira sa pampang nito na Tikay ang pangalan. Siyay may magandang kalooban at bukas ang palad sa mga nangangailangan. Si Tikay ang nag-andukha sa taga-Guinayangan na lumipat sa Apad. Nang mamatay si Tikay, pinangalan sa kanya ang lugar kung saan ang binbaybay ng isang malaking ilog  bilang pag alaala sa babaeng may mabuting kalooban at mapagkalinga. Nang ito ay maging isang ganap na barangay ay ito na rin ang napiling ipangalan.

Maligayang Pamumuhay

Ang lugar ng Danlagan (na ngayon ay nahahati sa limang Barangay, ang   Reserba, Central, Cabuyao, Batis at Bukal Maligaya) ay isang malawak at maburol na lupain na matatagpuan sa hilaga ng bayan ng Guinayangan.

Ayon sa kasaysayan ng Guinayangan, ang Danlagan ay sakop ng Nuevo Guinayangan na itinatag sa Apad ng sa panahon na ang orihinal na Guinayangan ay sinasalakay ng mga Moro. Ang mga unang tao dito na nagbukas at naghawan ng kagubatan ay ang mga magkakapatid na Remegio, Fernando, Severino, Domingo, Anselmo, Margarita, Rufina at Policarpia Cerilla. Nilinis ng magkakapatid ang masukal at madawag na gubat sa tulong ng mga Aeta.

Ayon sa matatanda, naglalakad sa masukal na gubat si Fernando ng makasalubong niya ang isang Aeta. Tinanong niya kung saan ito patungo. “ Diyan sa Dalagan!”…ang sagot sa kaniya ng Aeta. Ang salitang “dalagan” ay isang uri ng isdang tabang na malamang ay kilala sa pangalang dalag ng mga katagalugan.

Ganoon din ang nangyari kay Vicente Molines noon ay nanliligaw sa dalagang si Margarita Cerilla. Sumama siya sa mga Aeta at napatunayan niya na maraming isdang dalag ang sapa at mga ilog nito. Simula noon, tinawag nilang “Dalagan” ang pook na sa katagalan ng pagsasalinsalin ay naging Danlagan.

Taong isang libo siyam na raan at pito nang dumating ang angkan ng Abrencillo sa Danlagan. Sumunod sa kanila ang mga angkan ng Enriquez, Silva, Ricamera, Perez at Valencia. Naging  maligaya at matiwasay ang kanilang pamumuhay dahil sa mataba at mayamang lupa na kanilang sinasaka.

Nahati ang lupang kanilang sinasaka na sakop ng Brgy.Danlagan sa dalawang sitio, ang Bukal Maligaya at Batis Maligaya. Pinagtibay ng Konseho  Municipal ang pangalang Maligaya sa dalawang sitio.

Kabyawan


Ang lugar ng Danlagan (na ngayon ay nahahati sa limang Barangay, ang   Reserba, Central, Cabuyao, Batis at Bukal Maligaya) ay isang malawak at maburol na lupain na matatagpuan sa hilaga ng bayan ng Guinayangan.

Ayon sa kasaysayan ng Guinayangan, ang Danlagan ay sakop ng Nuevo Guinayangan na itinatag sa Apad ng sa panahon na ang orihinal na Guinayangan ay sinasalakay ng mga Moro. Ang mga unang tao dito na nagbukas at naghawan ng kagubatan ay ang mga magkakapatid na Remegio, Fernando, Severino, Domingo, Anselmo,
 Margarita, Rufina at Policarpia Cerilla. Nilinis ng magkakapatid ang masukal at madawag na gubat sa tulong ng mga Aeta.

Ayon sa matatanda, naglalakad sa masukal na gubat si Fernando ng makasalubong niya ang isang Aeta. Tinanong niya kung saan ito patungo. “ Diyan sa Dalagan!”…ang sagot sa kaniya ng Aeta. Ang salitang “dalagan” ay isang uri ng isdang tabang na malamang ay kilala sa pangalang dalag ng mga katagalugan.

Ganoon din ang nangyari kay Vicente Molines noon ay nanliligaw sa dalagang si Margarita Cerilla. Sumama siya   sa mga Aeta at napatunayan niya na maraming isdang dalag ang sapa at mga ilog nito. Simula noon, tinawag nilang “Dalagan” ang pook na sa katagalan ng pagsasalinsalin ay naging Danlagan.  

Malawak na lupain ng Danlagan ang nalinis ng bawat isa.Nahati ang mga ito sa ibat-ibang barangay. ang isa ay ang Danlagan Cabuyao. Ito ay pinamunuan ni Andres Sevellena. Ang pangalan ng barangay ay hinango sa pangalan ng ilog. Sabi ng mga matatanda, may kabayawan daw sa tabi ng ilog na siyang pinagkukunan ng tawag na Cabuyao

Puno Ng Sintones

Malawak ang masaganang lupa at bulubundukin ang nasasakupan ng Brgy. Sintones sa katimugang bahagi ng Guinayangan. Sa pitong daang tao na naninirahan dito, karamihan ay pagsasaka ang kinabubuhay. Ang iba naman ay pag-aalaga ng hayup at pagnenegosyo. Malaki ang bayanan ng baryo at nasa sentro nito ang isang paaralang pang-elementarya. Sanhi ng nadadaanan ito at napapagitnaan ng malalaking barangay, maraming munting tindahan at munting komersyo ang nakatayo dito.
Mga tubong Batangas ang unang mga nagsipagpuntahan sa lugar na it. Sila ay mga magsasaka dala ang kaalamang pagyamanin ang dating masukal at madawag na kagubatan. Karamihan sa kanila ay mga tagapangalaga ng bakahan sa Hacienda Luisa.  

Si Pedro Hernandez ang kinikilalang pinakamatanda sa kanila. Sa kanyang halamanan ay may malalaking puno ng kalamansi at mas kilala sa pangalan nito sa Batangas na Sintones. Dito ang pahingahan ng mga naglalakad patungong Ligpit, Capuluan hangang Cawa na sakop ng bayan ng Buenavista Quezon. Tinawag nilang sintones ang pahingahan. Noong 1926 naging isang barangay ang lugar sa pamumuno ni Martin Hernandez, na siyang naging kaunaunahang Tinyente del Baryo.

Villa Ni Wasay


Sa katimugan ng bayan, matatagpuan ang mahabang ilog na nagmumula sa    bulubunduking wasay. Mahaba at pinakmalaking ilog sa buong Guinayangan ang bumabagtas sa buong barangay. Isang dam ang naipatayo ng pamahalaan sa ilog nito. Nagsisilbing patubig o irigasyon sa mga pananim ng mga kalapit na barangay kagaya ng Arbismen, Ligpit Bantayan, Dangcalan, at Sintones.

Kulang 500 daang katao ang nainirahan sa lugar na ito ayon sa nakaraang sensus. Mayaman ang lupa at masagana ang mga pananim likha ng masaganang tubig na bumabagtas na ilog. Mabundok ngunit minsan ay may mga kapatagang naglilikha bilang pastulan ng mga kalabaw, kambing at baka. 

Ayon sa kasaysayan, si Bonifacio Villareal ang unang nanirahan sa tabi ng ilog kaya Villa Ni Wasay ang tawag sa pook. Sa kalaunan, Villa Hiwasayan ang itinuring dito.

Pantay Na Lupa

Sa matandang panahon ang malayong baryo ng Dungawan ay dating bahagi ng kalakhang barangay ng Himbubulo. Upang marating ang lugar, kailangang baybayin ang mataas na bundok na may madawag na kagubatan. Mga Aeta ang mga unang nanirahan dito. Sila ay nabubuhay lamang sa pangangaso at paghahanap ng bungang kahoy at prutas. Sa paghahanap nila ng mga baboy ramo at usa, umaakyat sila sa mataas na puno at nagmamasid sa paligid-ligid na parang nanunungaw. Pinanununghan nila ang dagat sa ibaba kaya tinawag nila ang lugar bilang Dunga-awan ang malawak na kagubatang ito.
 

Naging isang barangay ang malaking Dungawan (bago pa humiwalay ang Dungawan Pantay at Dungawan  Paalyunan) sa panahon ng Presidente Municipal Antonio Marquez.

Mga taga Batangas ang ang naghawan ng madawag na kagubatan.Ang Dungawan Pantay  ay naging isang barangay noong ika-17 ng Marso, taong 1971, Si Alejandro Amador ang Tenyente del Barrio ng ito ay magsarili. Malawak ang kapatagan o pantay lupa sa ibabaw ng kabundukang ito kaya tinawag na Dungawan Pantay.



Water Reserve



Ang lugar ng Danlagan (na ngayon ay nahahati sa limang Barangay, ang Reserba, Central, Cabuyao, Batis at Bukal Maligaya) ay isang malawak at maburol na lupain na matatagpuan sa hilaga ng bayan ng Guinayangan.
Ayon sa kasaysayan ng Guinayangan, ang Danlagan ay sakop ng Nuevo Guinayangan na itinatag sa Apad ng sa panahon na ang orihinal na Guinayangan ay sinasalakay ng mga Moro. Ang mga unang tao dito na nagbukas at naghawan ng kagubatan ay ang mga magkakapatid na Remegio, Fernando, Severino, Domingo, Anselmo, Margarita, Rufina at Policarpia Cerilla. Nilinis ng magkakapatid ang masukal at madawag na gubat sa tulong ng mga Aeta.
 Ayon sa matatanda, naglalakad sa masukal na gubat si Fernando ng makasalubong niya ang isang Aeta. Tinanong niya kung saan ito patungo. “ Diyan sa Dalagan!”…ang sagot sa kaniya ng Aeta. Ang salitang “dalagan” ay isang uri ng isdang tabang na malamang ay kilala sa pangalang dalag ng mga katagalugan.

Ganoon din ang nangyari kay Vicente Molines noon ay nanliligaw sa dalagang si Margarita Cerilla. Sumama siya sa mga Aeta at napatunayan niya na maraming isdang dalag ang sapa at mga ilog nito. Simula noon, tinawag nilang “Dalagan” ang pook na sa katagalan ng pagsasalinsalin ay naging Danlagan.

Malawak na lupain ng Danlagan ang nalinis ng bawat isa. Naghati hati sila at ang natirang kagubatan ang naging Danlagan Reserva ayon sa proklamasyon ng Pangulo ng Bansa. Nang mabuksan ang daang bakal. nagkaroon ng deposito ng tubig at himpilan ng tren sa reserva. Kailangan ng tren ang tubig na noo'y "steam engine" pa ang gamit. Itinalaga sina Pedro Manalo, Fidel Cadag. Crispin Verdara at Leocadio Austria upang mangalaga sa deposito ng tubig.

Maraming nanirahan sa tabi ng himpilan ng tren at daang bakal. Sa gayo'y tinawag na Danlagan Reserva ang bagong baryo.

Si Cabo Chavez At Si Cabo Perez



Noong panahon ng mga Kastila,isang malaking bahagi ng kalupaan ng Capuluan at Cabong ay pinamamayanan ng iilan lamang angkan. Ang angkan  ni Domingo Encarnacion, Estanislao Chavez at ni Adriano Perez. Nagumpisa silang pagyamanin ang kalupaang ito na bahagi ng Guinayangan noong taong 1891.

Ayon sa kasaysayan ng bayan at ng mga barangay nito, ipinag-utos ng kasalukuyang Alcalde Mayor ng panahong yaon na ang bawat barangay ay magtalaga ng isang "Cabo" upang mamuno laban sa mga tulisan at insurrectos. Si Estanislao Chavez at adriano Perez ang hinirang na Cabo sa barangay na ito. 

Tahimik na namumuhay ang mga mamamayan sa lugar na ito ng isang araw ay ginambala sila ng Kastilang Guardia Civil. Hindi paman nakakarating ang mga sudalo ng pamahalaang Kastila ay tinambangan sila ng hindi napabatid na mga sibilyan.

Napatay ng mga tumambang ang dalawang kawal na pamhalaan. Nagalit ang mga Kastila sa mga taga baryong ito sa pag-aakalang kasapakat sila sa pananambang.Ipinadakip sina Cabo Chavez at Cabo Perez. itinanggi nila ito ngunit naging marahas pa rin sa kanila ang mga Kastila at silay pinarusahan hangang sa mamatay. Bilang pag-aala-ala sa dalawang Cabo na nagbuwis ng buhay, tinawag nilang Cabong ang pook.

Nang dumating ang panahon ng mga Amerikano, lumaki ang papulasyon ng barangay.Nahati ito sa dalawa, ang Barangay Cabong Norte at Barangay Cabong Sur.






Pinagliligpitan At Pinagbabantayan

Isang masagana at mataginting na barangay ng Guinayangan. Nahahati ang lugar na ito sa dalawang anyong lupain. Ang sitio ng Ligpit kung alin may malawak at pantay na kalupaan, may masaganang ilog na bumabaybay sa kahabaan nito. Ang Sitio Bantayan sa hilaga na mabundok at may kalat kalat na burol.
Ang lipunang ito sa timog ng bayan ay binubuo ng isang libo at dalawangdaang mamamayan (1,206) ayon sa huling sensus. Mayaman ang kalupaan na natatamnan ng palay, mga punong niyog, buli at namumungang prutas. Masisipag ang mga tao na binubuo ng mga magsasakang nanggaling sa karatig na barangay at bayan.

Noong panahon na ang kalakhang lupain na nasasakop ng Brgy. Capuluan, ang Ligpit at Bantayan ay Sitio lamang ng kalapit nitong lugar na ngayon ay tinatawag na Brgy.Sintones. Tinawag na Ligpit ang pantay na kalupaan sa tabi ng ilog dahil ito ang pinagliligpitan ng mga gamit sa pangangaso ng mga Aeta-ang mga unang taong nanirahan sa sa dating madawag at masukal na kagubatan. Ang gawing mabundok at maburol na bahagi naman ang siyang tinatawag na Bantayan, kung saan naman nagbabantay ang mga Aeta-na noong unang panahon ay ilag at pilit na lumalayo sa mga taong taga patag na naninirahan sa sentro ng kabayanan. 

Pagkalipas ng mahabang panahon, dumami ang mga nanirahan dito galing sa kabayanan at karatig na bayan at lalawigan. Katulad ng Batangas, Bikol at Bisaya. Natulak papalayo ang mga unang Aeta na naghahari dito sa kabundukan. Pinagyaman ng mga bagong saltang binubuo karamihan ng mga magsasaka. Hangang sa dumami na ang papulasyon ng dalawang sitio at nagdesisyon na ang mga namumuno dito na magsarili na bilang isang ganap na baryo na ngayon ay tinatawag na Brgy. Ligpit-Bantayan



ref. "Guinayangan Noon at Ngayon" by Mrs. Alodia F.Molines

Ang Pinanunungawan

Sa matandang panahon ang malayong baryo ng Dungawan ay dating bahagi ng kalakhang barangay ng Himbubulo. Upang marating ang lugar, kailangang ahunin ang mataas na bundok na may madawag na kagubatan. Mga Aeta ang mga unang nanirahan dito. Sila ay nabubuhay lamang sa pangangaso at paghahanap ng bungang kahoy at prutas. Sa paghahanap nila ng mga baboy ramo at usa, umaakyat sila sa mataas na puno at nagmamasid sa paligid-ligid na parang nanunungaw. Pinanununghan nila ang dagat sa ibaba kaya tinawag nila ang lugar bilang Dunga-awan ang malawak na kagubatang ito.

 Naging isang barangay ang malaking Dungawan (bago pa humiwalay ang Dungawan Pantay at Dungawan Paalyunan) sa panahon ng Presidente Municipal Antonio Marquez.
Mga taga Batangas ang ang naghawan ng madawag na kagubatan. Si Rufo de Jusay ang unang naging Tenyente del Baryo, subalit si Julio Balmes ang pinakamatagal na nakapaglingkod bilang Kapitan ng Barangay Dancalan Central.

Dahil sa pinalilibutan ng iba pang malalaking barangay, naging sentro ang Dungawan sentral sa bahagi ito ng Guinayangan. Humigit kumulang mga pitong daang katao ang naninirahan dito. May sariling Paaralang Pangsekondaryo kaya nagkameron ng mga komersyo sa paligid ng bayanan. Di hamak rin na malalaki at mas magara ang mga bahay kung ikukumpara sa mga karatig na barangay. Sanhi na rin siguro ng kasipagan ng mga tao kaagapay ang mayamang lupain. Naghatid rin ng karangyaan ang mga kamag-anakan na nagtatrabaho sa ibang bansa.

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails