Recent Comments
Kumunoy
Posted by Anonymous in featured article on Thursday, July 9, 2009
Kultura nating mga Pilipino na ang panganay na anak ay may tungkulin sa kanyang mga kapatid kapag namayapa na ang mga magulang. Kaya ako, bilang panganay sa sampung magkakapatid, limang babae at limang lalaki ay siyang naging second parent ng mga kapatid ko. Ako ang sinasanggunian nila ng kanilang mga problema, hinihilingan ng advice at nagdi-desisyon para sa aming lahat.
Tulad ngayon, nagkaroon ng kaunting gusot ang tenant sa lupa. Umuwi ako ng Calauag, Quezon upang lutasin ang sitwasyon. Total retired na ako. May oras na para mag-stay ng matagal sa dati kong Home Sweet Home. Still healthy, energetic at able pa naman ako. Ang mga brod and sis ko ay still tied up with their own works.
Ang coconut plantation namin is located at barangay San Antonio, Guinayangan,Quezon. Half-hour ride by bus patungo roon. Maganda naman ang magbiyahe papunta roon kasi concreted road na. Maliban sa isang parte sa barangay Rizal lbaba. More or less ay 25 meters na lubak-Iubak at maputik. Pagiwang-giwang ang bus pag natatapat doon. Tiyak na mapapasubsob ka at malamang mabukulan kapag di ka listo at hahawak sa upuan. “Fasten your seatbelt.” minsan ay pabirong sinabi ng niece ko ng minsang sumama sa amin. “Ma-air pocket pala dito,” “Hindi,” sagot agad ng nephew ko. “Maalon, parang pa-Marinduque. Tingnan mo, parang dagat.” At itinuro ang magkabilang tabi ng kalye kasi puno ng tubig. Maulan kasi noon.
Bakit, ano ba ang ginagawa ng governor dito? Wala bang budget para ayusin itong lugal na ito?” tanong ko sa sis ko. “Naku, palagi lang tinatambakan ito. Hindi na ito sini-semento at nasisira din agad Kumunoy itong lugal na ito at tambak lang ng tambak para madaanan. Lumulubog dito ang lupa kaya maputik, matubig at luhak-Iubak. Natamimi ako. Kung sinu-sino pa ang sinisi ko yon pala kumunoy ang lugal na iyon. Akala ko ang kumunoy ay sa sine, komiks at kuwento lamang. Totoo palang may kumunoy. Kasi noong bata pa ako, never akong sumama sa father ko patungo sabukid namin. Naka-focus lang ako sa pag-aaral very diligent kasi ako kaya kahit week-end stay at home lang ako doing my assignments and projects. Isa pa baby sitter ako ng brad and sis ko at helper din ng mother ko sa mga household chores. Pag Sunday busy din ako sa church kasi member ako ng Legion of Mary. Nang matapos ako ng high school, nag-college din agad ako, naging teacher at madaling nagka-asawa din. I settled in Marinduque with my husband and children. This is the only time para pumunta sa coconut plantation namin to settle the problems and demands of our tenants. Pagkamatay ng parents namin nagkaroon ng irregularities at pagsasamantala sa mga produkto.
Pero hindi iyon ang nasa isip ko. Simple lang iyon at madaling ayusin. What trigger my mind ay ang kumunoy na dinaanan namin. Ang kumunoy ay dapat tambakan upang madaanan. Ito ang naglaro sa isip ko. Katulad din pala ng tao. We have our weaknesses, sometimes we are arrogant, judgmental, selfish, dishonest at hard to deal with. We need to improve those undesirable traits to become desirable and pleasing to others. We are living in an imperfect world. Let’s give allowances to the shortcomings of others to be positive thinker, understanding, optimistic, broad-minded, sympathetic and compassionate are of paramount importance to help build good attitude to people. Trust and pray to God. Eventually we will develop wonderful relationships with others. We become spiritually guided, emotionally, mentally and socially-adjusted person. Huwag tayong maging kumunoy na hinihigop ang kapwa para lumubog. Tambakan ang kumunoy para magkaroon ng harmonious relation with other.
by Letty Leal
Repost from Ang Pulso On Line
This entry was posted on Thursday, July 9, 2009 at 7:51 AM and is filed under featured article. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.
- No comments yet.