Recent Comments
Tunay Na Kaibigan
Posted by Anonymous in Ang Gayang Archives on Monday, June 11, 2012
Whooshhhh! Umihip na naman ang malakas na hangin, nakapaninindig balahibo ang lamig na dumadampi sa aking katawan. Maya maya pa. narinig ko na ang tikatik na patak ng ulan hanggang sa ito'y lumakas....papalakas ng papalakas......Sa wari ko'y matatagalan pa bago tumila ang ulan. Kasabay nang pabugso-bugsong paghangin ang paglakas ng tibok ng aking puso, nakikipagsabayan sa kulog na dumadagundong sa kapaligiran.
Bagaman pareho kaming takot sa malakas na hangin na sinasabayan ng kulog at kidlat, may halong saya rin ang dulot ng ganitong panahon sa amin, dahil ito ang nagpapaalala ng simula ng aming mabuting pagkakaibigan at ng aking pagbabago. Sino nga ba ang makapagsasabi na sa tingin ko ay walang pakialam at akala mo kung sinong matalino ay magiging kaibigan ko?
Ang buhay nga naman.....Likas pala talaga ang kanyang kabutihang loob. Kung hindi niya aki tinulungan hindi ko malalaman at matututunan ang magkaroon ng direksyon ang buhay. Binago niya ang aking paniniwala na hindi pala nasusulat sa hitsura o panlabas na anyo ang kakayahan ng bawat isa. Kainlangang magsikap upang maging maayos ang buhay.
Salamat na lang at nandiyan ang aking kaibigang si Langgam na handang tumulong sa nangangailangan. Ako, na isang dating palalo at tamad na tipaklong ay nagkaroon ng panibagong buhay.
by: Milagros Arida
from: Ang Gayang Archives June-November 2007
This entry was posted on Monday, June 11, 2012 at 11:54 PM and is filed under Ang Gayang Archives. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.
- No comments yet.