Recent Comments

Mga Punong Bayan ng Guinayangan 1900-2010

Sr. Victoriano Lagdameo (Evangelista) 1900-1902
Siya ang unang Presidente Municipal ng Guinayangan sa panahon ng mga Amerikano, lalong kilala sa tawag na “Kabesang Victoriano” dahil naging Cabesa de Barangay sa mga huling panakop ng Espanya. Ipinanganak noong Marso 23, 1857 sa Lucban. Biniyayaan ng dalawang anak sa unang asawa, sina Genaro at Luisa. Ang pangalawang kabiyak ay si Sra. Fortuna Olega. Nagkaroon sila ng mga supling. Sina Jose, Claro, Mariano, Ana, Luis, Maria, Antonio at Rafael. Si Dr. Carmen Enverga Santos, isang bantog na OB-Gyne, anak ni Ana ay isa sa mga kinikilalang apo ni Kabesang Victoriano.



Sr. Placido Ysaac 1902-1904

Naging pangalawang Presidente Municipal ng Guinayangan. May isang anak kay Sra. Anastacia Escobar at ito’y si Sr.Vicente Ysaac na naglingkod sa bayan bilang Juez de Paz. Sa pangalawang asawa, pawang mga babae ang naging anak niya. May dalawang apo kay Sr. Vicente Ysaac at Sra. Josefa Lagdameo, sina Cesar at Sra.Josefa Lagdameo sina Cesar at Purita. Si Gng. Natividad Alvarez Ysaac kabiyak ng dibdib ni Cesar ay kilalang parmasyotika at aktibo sa mga gawaing pambayan at pangsimbahan.







Sr. Jesus Lagdameo 1905-1907

Anak ni Don Gabino Lagdameo. May limang anak sa unang asawa, sina Nenita, Chedita, Amor, Vincing, at si Luis na naging Provincial Auditor ng Quezon. Sina Lagrimas, Sol at Fred ang naging anak niya kay Cenona Caparas.

Sr. Jose Tolentino 1908-1910

Naging pang-apat na Presidente Municipal, sa kanyang panunungkulan ipinagawa ang unang Presidencia Municipal. Anak ni Maria Lagdameo Tolentino ng Cinco Hermanos.

Sr. Feliciano Roldan 1911-1912

Siya ang palimang Presidente Municipal. Pinalad na magkaroon ng tatlong supling sa kanyang kabiyak na si Liberta Marcinas. Ito ay sina Manuel, Brigada, at Benedicto. Ang apo niya kay Manuel na si Mariano Roldan ang sumunod sa kanyang mga yapak bilang alkalde ng bayan nang mahabang panahon.







Sr. Silvestre Reformado 1913-1915

Isinilang noong Disyembre 31, 1879, tapos ng kursong Bachelor in Arts. Sa kanyang panunungkulan nabuksan ang paaralang intermedya ng bayan, ikinasal noong 1918 kay Modesta Andalus, at biniyayaan ng limang anak; sina Consuelo, Ramon, Carmen, Socorro at Alfredo. Ang anak niyang si Ramon ay nasawi sa kamay ng mga Hapones sa panahon ng digmaan.








Sr. Jose San Juan 1916-1919

Isinilang sa Guinayangan noong Mayo 24, 1898. Dalawang beses nahalal na Presidente Municipal ng bayan. May apat na supling kay Lina Juarez, sina Blanca, Amparo, Anita, at Ignacia. Apo niya kay Anita si Isabel Suinan Ornedo na kabiyak ng dibdib ni dating Treasurer Librado Ornedo.







Sr. Rodrigo Garcia 1920-1924

Anak ng matandang kastila. Don Francisco Garcia y Vergara at Dona Paula matta. Isinilang noong Marso 18, 1889. Nagaral sa St. Joseph College sa Hong Kong. May 12 anak na sina ; Lourdes, Guillermo, Concha, Aurello, Antonio, Lucia, Faustino, Ursulita, Rodrigo, Leonor, Francisco, at Rosario. Sa kanyang panunungkulan itinayo ang Paaralang Elementarya ng Guinayangan sa isang ektaryang lupang donasyon ni Donya Paula , sa ibayo ng ilog Prenza sakop ng Bargy. Manggagawa ngayon.




Sr. Faustino Arana 1925-1931

Dalawang beses nahalal bilang Presidente Municipal ng bayan. Ipinagawa niya ang proyektong patubig, pamilihang bayan at maging ang pantalan na lunsaran ng mga nagbyabyahe buhat Aloneros. Sina Jeoffreem Reginaldo, Evelyn, at Napoleon ang mga anak niya kay Sra. Apolonia Cerilla.







Sr.Antonio Marquez 1932-1937

Naglingkod ng dalawang panahon. Siya ang unang Presidente ng bayan sa Pamahalaang Komenwelt. Nagkaroon ng siyam na supling kay Sra. Felipa Licas. Ang mga anak nila ay sina Luis. Pilar, Rodolfo, Armando, Lourdita, Bernaditta, Patricia, Montzerral at Lutgarda.







Sr. Vicente Tolentino

Naglingkod bilang Presidente Municipal ng bayan bago sumiklab ang ikalawang digmaan pandaigdig. Kabiyak ng dibdib si Gng. Presentacion Tolentino, isang Nurse ng Puericulture Center ng Bayan.








Dr. Lazaro Tayag 1941-????

Halal na president ng bayan noong ika-11 ng Nobyembre 1941 bago sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Estados unidos at Hapon. Isa siyang manggagamot ng bayan. Anak nila ni Patricia Matta Lago sina; Celistina, Angelica, Juanito, Carmen, Pablo, Antonio at Pepito. Hindi siya nakapanungkulan dahilan sa digmaan.

Dr. Hipolito Veloso 1942-????

Isang manggagamot ng bayan, hinirang na Alkalde sa pananakop ng bansang Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig. Hindi nagtagal sa paglilingkod dahilan sa suliraning pangkalusugan. Nagbitiw at umuwi sa sariling bayan ng Lucban.
Sr. Victoriano Alejar 1943-1944

Nahirang na Alkalde ng bayan sa ilalim ng Republikang itinatag ng mga Hapones sa panahon ni Jose P. Laurel. NagingMatiwasay ang bayan sa ilalim ng kanyang pamumuno at pakikipaglaban sa mga Hapones. Bago matapos ang digmaan, bumalik siya sa kaniyang sariling bayan kasama ang buong pamilya.







Mr. Timoteo Ramos 1945
Naatasan ni Hen.Vera an glider gerilya ng Vera’s Unit sa Lopez at Buenavista, bilang alkalde sa bayan bago dumating ang Hkbong Mapgpalaya ng Amerika. Isa siyang guro sa paaralang pampubliko. Sa kanyang panunungkulan bumalik ang katiwasayan at kapayapaan ng bayan.
Si Gng Isabel Escobar ang kanyang may-bahay, ang mga anak ay sina Redencion, Ruby, Remberto at Ricardo na pawang mga propesyonal.





Atty Vicente Slumbides 1946
Hinirang na Punong Bayan ng Philippine Civil Affairs Unit (PICAU) upang maisaayos ang panunumbalik ng katiwasayan sa bayan pagkatapos na mapalaya ang bansa sa mga Hapones. Nang hiranging “Juez de Paz” ng Tagkawayan. Iniwan niya ang panunungkulan bilang Alkalde ng Guinayangan.







Mr. Guillermo Garcia 1947

Siya ang pumalit kay Atty. Salumbides bilang Alkalde ng bayan. Anak ni Don Rodrigo Garcia, kabiyak na dibdib ni Bb. Victorina reyes, isang guro sa Tayabas Southern Institute. Nagtatag ng pribadong paaralang sekondarya.
Mapalad na biniyayaan ng panginoon ng limang anak, sina Archimedes, isang doctor sa Estados Unidos, Guillermo Jr., Elsa, Gina, at Cristina.





Hen. Natividad Matta 1948-1952

Unang halal na Alkalde ng bayan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Tanyag na pinuno ng “Matta’s Unit”, isang samahan ng mga gerilya. Tubong Guinayangan, pangatlong saling lahi mula kay Juan Matta. Nanilbihan sa bayan sa panahong bumabangon ang bansa sa kagipitang dulot ng ikalawang digmaang pandaigdig.
May siyam anak, sila’y sina; Beatriz, wilfredo, Felipe, Benigno, Gertrudes, Junior, Faustino, Felicito at Luis.




Mr. Mariano Roldan 1952-1988
Anim na ulit nahalal bilang Alkalde ng bayan. Naglingkod ng 36 na taon. Ang kabiyak ng puso ni Leonisa Erandio, tubong Lopez. May pitong anak, sila ay sina; Oscar, Cenas, Cynthia, Edna, Mariano Jr., Nayda at Victor.
Sa kanayang panunungkulan napalawak at ginawang konkreto ang lahat ng lansangan sa poblacion, nabuksan rin ang mga baranggay roads, itinatag ang Guinayangan Community ang Medicare Hospital at ang pagpapailaw dagitab sa bayan.
Tinaguriang “Undefeated Champion” sa larangan ng politika.



Mr. Ignacio Macalintal 1988-1992

Dalawang beses naging bise-Alkalde ng bayan. Siya ang nagpatuloy ng panunungkulang naiwan ni Mayor Roldan. Bago pumasok sa buhay pulitika, siya’y naglingkod sa BPWH nang may 20 taon. Bilang Mayor, nabuhos ang kanyang panahon sa mga inprastruktura tulad ng “Sring Developeent Program” 38 baranggay, “Deep Well/Shallow Well” 22 Barangay, “Construction and Rehabilitation of Barangay Roads”, “Foot Bridges” , “Rehabilitation of 30 Barangay Halls”, “Livelihood Program” sa 38 barangays, at “Seed Dispersal Program” para sa kapakanan ng kabuhayan.
May anim na anak sila ni Remedios alba, isang guro at principal sa paaralang elementary. Ito ay sina; Aileen, Berlin, Christopher, Delta, Edison at Ferdinand.

Mr. Nestor Salumbides 1986-1988/ 1992-1998

Isinilang sa Guinayangan noong Marso 7,1930. Nagtapos sa U.E. ng BSC, 1953. Dalawang beses na nahalal na kagawad ng Sanguniang Bayan, 1960-1967: Vice-Mayor, 1971-1986: Mayor OIC, 1986-1987: aBC President,1989-1992: nahalal na Alkalde, 1992-1998.
Naglingkod bilang Human Settlement Officer: Ministry of Human Settlement Officer, 1979-1986: Outstanding vice-Mayor, 1975: Outstanding SB Member 1979: at Highest Achievement award, 1987 buhat sa International Research and Communication Center, Inc.
May apat na supling, sina: Nerissa, Nestor “Boyet”, Susana, Ammabelle sa kapilas ng dibdib na si Amparo Argosino, isang guro ng paaralang elementary ng bayan.

Mr. Mauel Butardo 1998-2007
Isa sa naging pinaka-batang Punong Bayan ng Probinsya ng Quezon, naglingkod sa pamahalaan buhat noong 1986 hanggang 1998 bilang kalihim ng bayan. Itinalaga siyang acting General Manager ng Guinayangan Local Waterworks buhat noong 1987 hangang 1996. Tinapos niya ang BSCE sa MSEUF bilang isang Cocofed scholar. Nahalal na Municipal Mayor noong Mayo 11,1998 sa gulang ng 35. Pinasimulan ang mga proyektong pangkabuhayan at panlipunan sa ikauunlad ng bayan tulad ng pagsasaayos at pagpapakongkreto ng Guinayangan-Sumulong Road, Naipagawa rin ang Farm to market Road sa halos lahat ng baranggay. Gayundin ang kalsadang nag-uugnay sa Guianayangan hangang Buenavista. Ang pagpapatayo ng bagong Pamilihang Bayan sa Brgy.Claimpac at ang pantalan at daungan ng mga sasakyang pandagat buhat sa maraming pook ng Ragay Gulf.
Naging matagumpay ang “Clean and Green Drive” para sa kalinisan ng buong bayan at mga karatig baranggay.
Siya ay maya apat na supling kay Maria Luis David.

Mayor Edgardo E. Sales
2007-2010
The 22nd Municipal Mayor of Guinayangan. He was born on August 17, 1962 at Guinayangan, Quezon. He is the third of eight children of the late Godofredo Castillo Sales and Adoracion Amador Espanol. He married Aniceta Orbe-Alcantara in 1989 and they were blessed with 3 children, Mary Ann, Ma. Theresa and Michael Andrei.
Mayor Gado is on his first term as the municipal mayor. He graduated from the University of the East with a Degree of Bachelor of Science in Business Administration, Major in Management in 1984. He began his public service when he was elected as Member of the Sangguniang Bayan in 1995 garnering the second highest votes from all of the candidates. He served as Municipal Councilor for 3 years with utmost dedication and his position at the Sangguniang Bayan made him closer to the people particularly those from the rural barangays. His overwhelming success as SB Member for a full term and his will to fully serve his "kababayans", made him run fo Vice Mayor in 1998 which he eventually won in almost all of the precincts in the municipality. He served as Municipal Vice Mayor for 9 straight years providing the municipality with significant Municipal Ordinances that surely helped Guinayangan became a haven community and experience the present day prosperity.
Aside from being a public servant for such a long time, his heart closely belongs also to the Academe. He held the Chairmanship of the Sangguniang Bayan Committee on Education from 1995-1998. He was a secondary classroom teacher at Guinayangan Academy for 14 years. He served also as Finance Officer for 8 years and Assistant School Administrator of Guinayangan Academy from 2006-2007. He was one of the pioneers who instituted in 2003 the first Technical School in the municipality, the Guinayangan Institute of Technology. Until June 2007, Mayor Sales served as the School Administrator and the Vice President of the Board of Trustees of the Guinayangan Institute of Technology.
Mayor Gado initiated and caused the realization of various development, environmental, health, economic and administrative programs and projects. Included in his platform of Government includes Alternative Learning System, Non-Formal Education, Computer Literacy Program, Establishment of Municipal Library and Information Center, Dental Health Care, Construction of Municipal Health Center, Provision of additional medical and laboratory equipment, Day Care Program, Senior Citizen Welfare Program, Sports Development Programs, Agricultural enhancement Programs, Micro Finance, Product Marketing and Networking, Tourism Promotion and Development Program, Investment Promotional Program, Fishery Sector Development and Protection Program, Clean and Green Program, Solid Waste Management Program, Establishment of a Municipal Eco Park, reforestation Program, Marine and Aquatic resource Conservation and Preservation, Construction and rehabilitation of various Barangay and Farm-to-Market roads, Water Supply System Development, Peace and Order, and the Construction of New Sangguniang Bayan Office and Session Hall.


Mayor Angel T. Ardiente, Jr., M. D. 2010-2013

The 23rd Municipal Mayor of Guinayangan. He was born on November 20, 1960 at Quezon City. He is the fourth of five children of the late Angel Paloma Ardiente, Sr., (a local Composer, Head Teacher) and Gliceria Sario Torres (a Master Teacher).  He married Dra. Annabel Coma Taganas of San Mateo, Isabela Province in December 28, 1989 and they were blessed with 3 sons, Aaron,  Angel III and Adrian.
Mayor Doc Jojo is one of the new breeds of young politicians in the locality.  His first try in politics in the local elections last May 2010 became successful and it again proved that new politicians with good, attainable, concrete and precise platform of government are given with the most trusts by the citizens.
Mayor Ardiente graduated with a degree of Doctor of Medicine at Virgen Milagrosa Educational Institution in Pangasinan Province in 1987.  He finished his pre-med course - Bachelor of Science in Zoology at the Far Eastern University in Manila in 1982. He passed the Physician Licensure Examination given by the Professional Regulatory Commission in Manila on February 28, 1987.
Although new in politics, Mayor Jojo is not new in providing services to the public.  He began his public service when he was appointed as Rural Health Physician (presently called Municipal Health Officer) of Guinayangan, Quezon on April 28, 1989.  He hold this position for 21 years until he decided to file for the certificate of candidacy as municipal mayor in March 2010.  His advocacy for the wellness and improved health conditions of the people of Guinayangan by implementing various programs and projects of the Department of Health in the locality with the support of his able staff in the municipal health center made him more endeared to the people particularly those from the rural barangays.  
Aside from being the Municipal Health Officer for such a long year, Mayor Ardiente also served as member of the Board of Directors of the Quezon Electric Cooperative (QUEZELCO I) from 2005-2010 and the Medical Officer of the 201st Infantry Brigade of the Philippine Army stationed at Brgy. Rizal Ibaba, in the Municipality of Calauag, Quezon for 21 years (1989-2010). 
For his first term as the local chief executive of Guinayangan, Mayor Doc Jojo adhere to focus to the Vision of Guinayangan: "isang maunlad, masagana, matatag at mapayapang pamayanan na may malulusog, may mataas na antas ng kaalaman at nagkakaisang mamamayan na may pagpapahalaga sa kapwa at kalikasan, masunurin sa batas at may banal na pag-ibig sa Diyos." (A progressive and peaceful community with healthy, knowledgeable, well-informed, united, God-fearing, nature-loving and law-abiding citizens). 
His priority platform of Government includes the improvement of the Agriculture Sector (farming and fishing) and the continued improvement of the health conditions of every members of the community through the prevention of diseases and providing medical and dental missions in the barangays. These priority programs will be further enhanced by improving Education, Sports, Tourism, Commerce, Peace and Order and Infrastructure Development.  He calls on every member of his administration, particularly the municipal employees, to serve the people with utmost integrity, professionalism, fairness and honesty.
Mayor Ardiente's motto of Governance is "AKSYON TUNGO SA ASENSO" (Action to Progress).




-from the book "Guinayangan Noon At Ngayon" by Mrs. Alodia F. Molines
-from the guinayangan.com

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails