Recent Comments
Guinayangan Dialect
Ikaw ga'y taga Guinayangan? Basahin mo nga ire kung maiintindihan mo...
Dine sa aming linang ay may puno ng lipute na arugang-aruga pa ng Mamay. Sadyang pinapugaran sa hantik at guyam. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sintunis. Hamo hamo sa paglantak. Nang bigla na lang siyang kinaligkig, tumingkayad at tuluyan ng nabang-aw. Tapos kumaripas ng takbo, lumiban ng kalsada kahit naambon, naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa pa ang sipit sa paa.
Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkukang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng babag sa mga kaung-ungan. Wala namang kumana kaya mga babaeng lipay na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lug-uyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging mainit ang usapan sa bayaran dahil kimpi lang ang gustong ibayad ng Mamay. Nayamot ang babaeng lipay at sinampiga ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, mabang-i at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkayamot ay naglitanya “ Wala kang galang sa matanda, Siguro hindi ka taga Guinayangan ano? “ Naglabas na ng dulos ang Mamay at akmang bibigwasan ang kapulong ngunit dagli itong inawat ng mga tao.
Kwentong Guinayangan
ISANG EROPLANO ANG BUMAGSAK SA KABUNDUKAN NG STA.CRUZ
Manila Reporter: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
Mamay: Ala, naku, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumemplang, ay kung sa kabayanan, ay di karaming na-utas!
Manila Reporter:Ho?!!.....(Sabay kamot sa ulo)
PARA PO SA MGA NAKORTA ANG UTAK SA KAIISIP KUNG ANO BANG PINAGSASABI NI MAMAY, ETO PO ANG TRANSLITERATION
Manila Reporter: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
Mamay: Here's what happen anak..Kaka-breakfast ko lang, ready na ang mga dalahin ko kase papunta ako sa katabi ng aming farm, ng na-sight ko yan sa itaas at umaapoy na. Then, nag pa-gewang gewang sa taas na parang bang magka-crash landing. Buti na lang at bumagsak sya over the mountains at walang mga nakitarang mga tao, kung sa populated area yan bumagsak, OMG! Di ang daming namatay!
Manila Reporter:Aaaah!!!....
Kwentong Guinayangan Uli
Banggaan Sa Hinabaan
Pulis: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?
Mamay: Ay oo baga! Ika'y pumarne sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!
Pulis: 'Sensya na po sa abala.
Mamay: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-babarkadang hasing-hasi pa ng pag-gagala ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mga iyon ay! Aba'y maiipit na'y nakabalandra pa sa daan! Ay kainaman! Hayon! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y pirat-pirat na. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal baga!