Recent Comments

Ang Pinanunungawan

Sa matandang panahon ang malayong baryo ng Dungawan ay dating bahagi ng kalakhang barangay ng Himbubulo. Upang marating ang lugar, kailangang ahunin ang mataas na bundok na may madawag na kagubatan. Mga Aeta ang mga unang nanirahan dito. Sila ay nabubuhay lamang sa pangangaso at paghahanap ng bungang kahoy at prutas. Sa paghahanap nila ng mga baboy ramo at usa, umaakyat sila sa mataas na puno at nagmamasid sa paligid-ligid na parang nanunungaw. Pinanununghan nila ang dagat sa ibaba kaya tinawag nila ang lugar bilang Dunga-awan ang malawak na kagubatang ito.

 Naging isang barangay ang malaking Dungawan (bago pa humiwalay ang Dungawan Pantay at Dungawan Paalyunan) sa panahon ng Presidente Municipal Antonio Marquez.
Mga taga Batangas ang ang naghawan ng madawag na kagubatan. Si Rufo de Jusay ang unang naging Tenyente del Baryo, subalit si Julio Balmes ang pinakamatagal na nakapaglingkod bilang Kapitan ng Barangay Dancalan Central.

Dahil sa pinalilibutan ng iba pang malalaking barangay, naging sentro ang Dungawan sentral sa bahagi ito ng Guinayangan. Humigit kumulang mga pitong daang katao ang naninirahan dito. May sariling Paaralang Pangsekondaryo kaya nagkameron ng mga komersyo sa paligid ng bayanan. Di hamak rin na malalaki at mas magara ang mga bahay kung ikukumpara sa mga karatig na barangay. Sanhi na rin siguro ng kasipagan ng mga tao kaagapay ang mayamang lupain. Naghatid rin ng karangyaan ang mga kamag-anakan na nagtatrabaho sa ibang bansa.

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails