Recent Comments
Kasaysayan Ng Guinayangan: Tupas-Mata-Molines
Posted by Anonymous in kasayasayan ng guinayangan on Sunday, February 14, 2010
Hindi sinasadya ang pagkakatuklas ng “Tatlong Bisaya”. Si Francisco Tupas ay mula sa lalawigan ng Cebu. Si Simeon Molines ay taga Samar, samantalang si Juan Mata ay buhat sa Masbate. Iisa ang pakay nila sa paglayas, ang humanap ng bagong kapalaran. Nagkita at nagkakilala sila sa sinasakyang parkado.
Sa kanilang paglalakbay nasabat sila ng mga Moro at hinabol nito ang parkado. Sa pag-iwas sa mga pirata, narating ng parkado ang Look ng Ragay. Bumaba sila sa Guinayangan na noo’y masukal at madawag, at tinutubuan ng mga punong bayag kambing. Sa magubat na kapaligiran nito, pansamantala silang nagtago at ang parkado’y nangubli sa ilog ng Kinatakutan. Hindi sila natagpuan ng mga Moro kaya’t nagsilisan ang mga ito.
Nang wala na ang mga Moro,ang tatlong bisaya ay nagpasimula nang bagong pamumuhay sa masukal at magubat na kapaligirang kanilang dinatnan. Lakas loob na nagbugta ng lupang sakahin at binuksan ang kagubatang sagana sa kahoy.
-excerpt from the book "Guinayangan Noon At Ngayon" by Alodia F. Molines
This entry was posted on Sunday, February 14, 2010 at 6:55 AM and is filed under kasayasayan ng guinayangan. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.
- No comments yet.