Isang baryo sa itaas ng kabundukan na nasasakop ng Guinayangan ang A.Mabini. Karatig nayon ng Sta.Maria at Magallanes.Nagsisilbi itong bukana ng dalawang barangay at gayon din ang unang barangay na nasasakupan ng karatig bayan na Buenavista.
Bilang isa sa may pinakamataas na barangay ng bayan. Sikat ito sa napakagandang tanawin at mas malamig na klima lalo na sa gabi at madaling araw. May sariling paaralang pang elementarya, at mga pangunahing gusali ng isang barangay. Malawak ang bukirin na pinagtatamnan ng mais palay gulay at punong niyog.
Ang kalupaang bumubuo ng A.Mabini ay nagmula sa matatandang baryo ng Ligpit-Bantayan at Villa Hiwasayan.
Tinawag na A.Mabini ito hango sa unang pantig ng pangalan nina Apolonario Marquez. Mauro Pedrezuela at Benigno Carpio. Sila ang mga unang taong nanirahan at nag may ari ng kalupaan. Si Benigno Carpio ang unang naging Tinyente del Bario.
Nakasanayan ng mga mamayan na banggitin na lamang sa pangalang Mabini ang naturang barangay, at hindi na isinasama pa ang letrang "A". Marahil siguro bilang praktikalidad sa pang araw-araw na paguusap at transaksyon. Ngunit ang tama at opisyal na pangalan ng barangay ay nanatili pa ring Brgy.A.Mabini..