Sa matandang panahon ang malayong baryo ng Dungawan ay dating bahagi ng kalakhang barangay ng Himbubulo. Upang marating ang lugar, kailangang baybayin ang mataas na bundok na may madawag na kagubatan. Mga Aeta ang mga unang nanirahan dito. Sila ay nabubuhay lamang sa pangangaso at paghahanap ng bungang kahoy at prutas. Sa paghahanap nila ng mga baboy ramo at usa, umaakyat sila sa mataas na puno at nagmamasid sa paligid-ligid na parang nanunungaw. Pinanununghan nila ang dagat sa ibaba kaya tinawag nila ang lugar bilang Dunga-awan ang malawak na kagubatang ito.
Naging isang barangay ang malaking Dungawan (bago pa humiwalay ang Dungawan Pantay at Dungawan Paalyunan) sa panahon ng Presidente Municipal Antonio Marquez.
Mga taga Batangas ang ang naghawan ng madawag na kagubatan.Ang Dungawan Pantay ay naging isang barangay noong ika-17 ng Marso, taong 1971, Si Alejandro Amador ang Tenyente del Barrio ng ito ay magsarili. Malawak ang kapatagan o pantay lupa sa ibabaw ng kabundukang ito kaya tinawag na Dungawan Pantay.