Recent Comments

A Lone Rose

Natanyag ang Aloneros dahil ito ay hantungan noon ng daang bakal na nagmumula sa Maynila. Ang mga manlalakbay mula sa Kabikulan at Guinayangan ay dito lumulunsad at ganun din naman ang nagmumula sa gitnang Luzon lalong lalo na sa Kamaynilaan. Dahil dito, umunlad ang Aloneros. Kasama pang nakatulong ang isang malawak na ilog na nagdudugtong sa look ng Ragay. Nagsilbing daanan noong unang panahon upang mailuwas sa kamaynilaan ang mga troso at malalaking kahoy gayundin ang mga likas na yamang dagat na inaani ng Guinayangan. Dito rin nagtayo ang isang negosyanteng Hapones ng isang malaking ulingan. Naging pinto at sentro ng kalakalan sa pagpapayaman ng bayang nakasasakop sa baryong ito.



Ika-lima sa may pinakamalaking barangay ayon sa bilang ng mga naninirahan. Sa laki ng papulasyon, may-roon itong sariling sementeryo. May sariling simbahang pang parokya na nagsisilbing sentro ng iba pang barangay na nasa hilaga ng Guinayangan. May sariling Paaralang Sekondarya, at isa sa unang barangay na nagkameron ng Paaralang Pang-primarya na nabuksan noong taong 1933. Ang magkapatid na si Bb. Irene at Grogoria Lascano ang mga unang naging guro.

Nahahanay sa isa sa mga mauunlad na baranggay ng Guinayangan. Marami ritong mga negosyo at mga establishment na pangakaraniwang nasa bayan ngunit matatagpuan rin sa baryong ito. Kagaya ng grocery, restaurant, billiard hall, sariling Cable Television System, beauty parlor, bakery, barber shop, pet at feed shop, at marami pang iba.

Ayon sa kwento noong unang panahon na bago pa lang ang mga Amerikanong mananakop. May naligaw umanong dalawang Amerikano sa baryong ito. Nakakita sila ng isang kubo napinaliligiran ng mga halaman. Ipinagpasiya nila na dito muna saglit mamahinga. May napansin ang isang Amerikano na bulaklak ng rosas sa may halamanan. Kagyat nahalina siya sa kagandahan nito at nasambit ang salitang "A lone rose!".  Narinig ito ng isang paslit na bata. Palibhasa at bago sa pandinig at sa mura nitong kaisipan, ginaya niya ang salita at paulit-ulit na binanggit at salitang "A LONE ROSE". Sa kauulit ng bata, agad itong kumalat sa buong lugar. Naging bukang bibig na rin ito hindi lang ng mga kabataan pati na rin ang mga matatanda. Minabuti ng mga unang nanirahan dito, ang pamilya Villafuerte, na tawaging Aloneros ang pook dahil sa kasikatan ng salita sa lugar na nabanggit.

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails