Recent Comments

Feature And Population

Sa dakong timog-silangan ng Lalawigan ng Quezon (dating Tayabas), sa dalampasigan ng Look Ragay, sa paanan ng Bondoc Peninsula ay matatagpuan ang lumang bayan ng Guinayangan. Dati-rati'y malawak ang kalupaang nasasakop ng bayan, subalit sa paghihiwalay ng Tagkawayan at Piris (na ngayon ay Buenavista), mga dating malaking sitio ng Guinayangan, ang natira na lamang ay may kabuuang dalawampu't dalawang libo at walong daan (22,800) ektaryang lupain. Ang bayan ay binubuo ng limampu at apat (54) na barangay ng pinag-uugnay  ng mga daang pambarangay na malaki ang naitutulong upang ang ani ng mga magsasaka at magniniyog sa kanayunan ay madala  sa pamilihang bayan. Humigit kumulang sa tatlumpo at animnapu't limang (365) kilometro ang layo nito sa Kamaynilaan. Buhat sa kabayanan, may labing siyam (19) na kilometro na lamang ang layo nito sa Pambansang Lansangang Maharlika at sa kasalukuyan ay minimintina ng maayos ng pamahalaang pambayan.

Ayon sa pinakahuling senso noong taong 2010, ang bayan ay pinaninirahanan ng apatnapu't isang libo, anim na daan at siyam napu't siyam (41,699) na mga mamamayan.

  • 1.    4,839 Calimpak       
  • 2.    3,050 Manggagawa        
  • 3.    2,017 Poblacion        
  • 4.    1,920 Manlayo        
  • 5.    1,760 Aloneros        
  • 6.    1,568 Capuluan Central    
  • 7.    1,467 Sisi            
  • 8.    1,250 Ligpit Bantayan        
  • 9.    1,091 Dancalan Caimawan        
  • 10.  1,000 Capuluan Tulon        
  • 11.    980 San Luis II   
  • 12.    952 Salakan      
  • 13.    936 Arbismen
  • 14.    845 Dungawan Paalyunan
  • 15.    843 San Isidro        
  • 16.    790 Sintones            
  • 17.    785 Cabong Norte  
  • 18.    784 Santa Cruz         
  • 19.    720 A.Mabini         
  • 20.    713 Dungawan Central    
  • 21.    663 Gapas      
  • 22.    650 Dancalan Central       
  • 23.    607 San Antonio       
  • 24.    592 Danlagan Central          
  • 25.    572 Hinabaan     
  • 26.    541 Bagong Silang     
  • 27.    517 Magallanes       
  • 28.    510 Himbubulo Este
  • 29.    506 Danlagan Reserva  
  • 30.    489 Himbubulo Weste         
  • 31.    482 San Roque        
  • 32.    487 Triumpo       
  • 33.    465 Santa Maria     
  • 34.    446 San Pedro I        
  • 35.    444 Lubigan             
  • 36.    440 Villa Hiwasayan
  • 37.    389 Santa Teresita         
  • 38.    373 San Luis I         
  • 39.    354 Manggalang            
  • 40.    341 Balinarin       
  • 41.    321 San Lorenzo     
  • 42.    316 Cabong Sur        
  • 43.    316 Danlagan Batis   
  • 44.    308 Tikay      
  • 45.    299 Magsaysay        
  • 46.    295 Dungawan Pantay            
  • 47.    289 San Pedro II         
  • 48.    262 Bukal Maligaya       
  • 49.    216 San Miguel          
  • 50.    203 Cabibihan        
  • 51.    202 Ermita          
  • 52.    200 Del Rosario        
  • 53.    176 Danlagan Cabayao    
  • 54.    142 San Jose        
Mga tagalog ang orihinal na mga mamamayan dito, bagama't maraming dumayong maninirahan buhat sa Kabisayaan at Kabikulan. Ang umiiral na gawi at kaugalian ng Guinayangan ay pinagsanib na kabihasnang dala ng bawat lipi. Bantog sa pagiging bukas palad (hospitable) ang likas na ugali ng mga orihinal na mamamayan, kung kaya ang paniniwala na "walang sinomang nakakarating dito ang nakababalik sa pinangagalingan" ay nagkakatotoo. Kinawiwilian ng marami ang paninirahan dito kahit lubhang malayo sa kamaynilaan.

Ang pangunahing produkto ng bayan bago magkadigma ay troso, roheta, palasan at buli, ganoon din ang mga ani sa bukid at dagat. Mga Batanguenio at Cavitenio ang nagpaunlad ng pagsasaka at pangingisda dito. Sa ngayon, pagkokopra, pangingisda at pagsasaka ang pangkaraniwang hanapbuhay ng mamamayan.

Dati'y mahabang pantalan (wharf) ang tanging pasyalan ng mga nais magpalipas ng oras lalo na sa dapit-hapon o kaya'y bukang liwayway. Napabayaan lamang ito at nasira dahil nawalan ng silbi nang lumampas ang daang bakal mula sa Barangay Aloneros hanggang Kabikulan.

Ngunit ng dumating ang bagong siglo, napalitan naman ito ng isang moderno at makabagong Fishport, na gaya ng lumang pantalan ay naging paborito rin itong pasyalan ng mamamayan. Inaasahan na sa darating pang panahon ay lalong uunlad ang bayan.


About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails