Recent Comments

Ilang Dangkal Ba?

Ang Brgy.Dancalan ay naging isang ganap na baryo nang matapos ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Sakop dati nito ang Brgy.Arbismen, Brgy.Lubigan at Brgy.Dancalan Caimawan. Si G.Mariano Pedregal na tubong Batanggas ang kauna-unahang naging Tinyente del Baryo. Sinundan siya ni G.Godofredo Collado. Sumunod naman si G.Perfecto Rufo Jr. na tumagal halos ng dalawang dekada hangang sa kinamatayan na niya ang posisyon. Pinalitan siya ng kanyang anak na si G.Vicente Rufo.
Sa kasalukuyan, ang Brgy.Dancalan ay pinamumunuan ngayon ni Kapitan Bobby Arellano.
Ang Brgy.Dancalan ay nagdiriwang ng kanilang kapistahan tuwing ika-23 ng Mayo bilang alay sa patron.
Ayon sa matatanda, nang nagsipagdating ang mga dayuhan galing sa kabisayaan naghanap sila ng kahoy na gagawing bangka. Natagpuan nila sa gawing timog kanluran ng bayan ang tamang kahoy. Nagsimula silang namutol ng kahoy upang gawing mga Bangka. Wala silang mga panukat, ang gamit lamang nila ang kanilang mga kanilang mga kamay. Lahat ng mga kahoy na inilalabas dito ay “dinadangkal”. Nakasanayan na nilang tawagin ang lugar bilang Dangkalan sa kadahilanang ang mga kahoy na nagmumula dito ay kanila lamang dinadangkal .






ref. "Guinayangan Noon at Ngayon" by Mrs.Alodia F. Molines
ref. Mrs. Librada Rufo-Tan
ref. Mrs. Liwayway Pedregal-Rufo

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails