Mas sikat ang baryong ito bilang isa sa sa tatlong barangay ng Guinayangan na binabagtas ng pambansang daang bakal,
Munti at maliit ang mamamayan ngunit mayaman sa kasaysayan. Sa kadahilanang may malaking ilog na bumabaybay sa lugar, maraming tubigan at palisdaan ang naitayo ng mga negosyante dito. Binbuo ng humigit kumulang isang daan tao na masayahin ang kasalukuyang naninirahan dito.
Ayon sa matatanda, ang Danlagan ay nasakop ng Apad ng itatag ang Nuevo Guinayangan. Nang tumakas ang mga taga Viejo Guinayangan sa pananalakay ng mga pirata, sa baybay ng ilog sila dumaan.
Ang ilog ay tinatawag nilang Tikay dahil sa isang babaeng nakatira sa pampang nito na Tikay ang pangalan. Siyay may magandang kalooban at bukas ang palad sa mga nangangailangan. Si Tikay ang nag-andukha sa taga-Guinayangan na lumipat sa Apad. Nang mamatay si Tikay, pinangalan sa kanya ang lugar kung saan ang binbaybay ng isang malaking ilog bilang pag alaala sa babaeng may mabuting kalooban at mapagkalinga. Nang ito ay maging isang ganap na barangay ay ito na rin ang napiling ipangalan.