Recent Comments

Tagong Yaman Ng Guinayangan


Guinayangan paraiso kang tunay.
Hanggang awit na lamang ba ang kahulugan nito? Bakit di natin totohanin? Kay sarap mangarap. Kay gandang paraiso ang pwede nating marating. Di na kailangan ang passport at visa. Di rin kailangang lumayo ka pa. Nandito ka na sa lupaing maaring maging paraiso sa dakong silangan ng Look Ragay.

Mala-Boracay Beach sa Look Ragay. 

Bakit naman hindi? Napakahaba ng maligoy na baybaying sumusukat sa pangpang ng dagat ng ating bayan. Maaring pagtayuan ng simpleng kubong pahingahan ng mga nais maglunoy sa tubig ng malinis na dagat.



Paraiso ng Masaganang Lamang Dagat. 

Naglalakihan at nagtatabaang yamang dagat na handog ng ating karagatan, look at ilog. Walang magugutom. Walang maghihirap sa yamang makukuha sa malawak na katubigan ng ating bayan.



Pasyal Sa Pamamangka.

Pwedeng pwede. Ano pa ba ang pwedeng gawin sa karagatan kundi ang mamasyal sa pamamagitan ng bangka. Lalo pang gaganda ang ating buhay dagat kung tulad ng mga dagat sa ibang panig ng Pilipinas na matatanaw natin ang mga sasakyang pandagat. Pang-akit ito sa turismo at karagdagang hanap buhay din sa ating mga kababayan.



Mayamang Ani Ng Sitrus o Kahel

Naglalakihang matatamis na dalandan. lado at dalanghita mula sa lugar ng Cadig.



Daigdig Sa Kailaliman Ng Lupa

Mundo sa mga di mabilang na mga kwebang tahanan ng mga paniking nagbibigay ng guano. Ano pa kaya ang nakatago sa bahaging iyon ng ating lupain? Halika't ating tuklasin.




Kamalig ng Palay. 

Kay lawak ng ating bukirin. Bayan ng mga magsasaka ang ating lupain. Palayang pinagkukunan na ating pagkain.Pagtatanim ng palay pwedeng pwedeng paunlarin.
Masasalamin sa lupain ng Guinayangan ang paraisong naghihintay.
Bakit Lalayo ka pa?

Inilathala sa Ang Gayang Hunyo-Nobyembre 2008


About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails