Recent Comments
Si Chololo: Ang Ulilang Pusa
Posted by Anonymous in Ang Gayang Archives on Tuesday, June 12, 2012
Nang ipakilala ang boksingerong makakalaban ni Pacquiao noon, dito ako nagkaroon ng interes sa larangan ng boksing dahil sa pangalang Chololo. Sa aking sobrang katuwaan, ito ang itinawag ko sa pusang lagi naming nakikita. wala raw may-ari kaya pagalagala.
Ilang araw ang lumipas at nakasanayan ng tawaging Chololo ang pusang gala. Subalit madalas binabato dahil sa kanyang anyo.
Sino ba naman ang matutuwa sa halos iilan na lang niyang balahibo? Nakakikilabot ang sabin ng iba.
Bukod sa mabait na pusa si Chololo, may kakaiba siyang kaalaman na hindi nalalaman. Minsa'y may naghagis sa kanya sa ilog at sa pagaakalang itoy lunod na, agad niya itong iniwanan. Nagmamadali namin itong tiningnan ng aking mga kaibigan. Laking gulat namin ng makita itong naglalangoy.
Hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang kuwentuhan sa nangyari kay Chololo. May naaawa, humahanga, at nanghihinayang, Sana noon pa nila naisip yon, nang nabubuhay pa siya. Siyam daw ang buhay ng pusa sabi nila. Naisip ko na lang siguro iyon na ang pang-siyan niyang buhay. Ang nauunang walo ay ng dumanas siya ng kalupitan sa mga tao na walang pagmamahal sa katulad niya.
Sana wala ng matulad sa kanya na kung kailan wala na saka nakikita ang kahalagahan.
by: Christopher Ang
from: Ang Gayang Archives June-November 2007
This entry was posted on Tuesday, June 12, 2012 at 12:50 AM and is filed under Ang Gayang Archives. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.
- No comments yet.