Recent Comments

Kakaibang Karanasan

Marso, dalawang taon na ang nakalipas. Lunes ng umaga. Maaga akong pumasok. Masaya akong nakasakay sa di naman kalumaang jeep na halos dalawang taon rin naming service.

Pagbukas ko sa silid, agad kong tinungo ang aking mesa upang ayusin ang aking mga gamit.
Di pa ako natatapos sa aking ginagawa ay may biglang bumagsak sa may paanan ko. Dahil sa gulat at takot na rin, mabilis kong pinalabas ang mga bata at nilisan ang silid. Sa di kalayuan, nandun ang ilang mga magulang.

Aking tinawag at hiningan ng tulong. Bagama't hirap, sapagkat makamandag at lumalaban, kanila rin itong napatay. Kahit may takot pa rin, ako'y lumapit at ito'y aking pinagmasdan. Naisip ko, paano kung di ito napatay? Ang pag-iisip kong yon ay mabilis na napalitan ng pagtataka. Tinitigan ko ito ng husto. Hindi ito ang una kong nakita na bumagsak sa may paanan ko. Pagkasabi ko na hindi ito, mabilis kaming bumalik sa silid. Mistulang nilooban ito ng ilang magnanakaw sa gulo ng loob. Amoy sariwa ngunit malansang dugo ang umaalingasaw dito. Mula sa magulong salansan ng mga aklat, bumulaga sa amin ang wala ng buhay na sawa. Pinatay ito ng kobra na kalaban nya. Ito ang unang nakita ko.

 Nakakatakot kaya hinding hindi ko malilimutan ang karanasang iyon sa dati kong eskwelahan.
 Pagkasabi nito. kaagad na tinungo ni Sir ang unahan ng aming silid upang magsimula ng magturo. Aliw na aliw kami sa kanya. Napakahusay niyang magturo at napakabait pa. Hangang hanga din ako sa galing niya sa paguhit.



by; Jordan Villanueva
from: Ang Gayang Archives June-November 2004

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails