Recent Comments

Nawawala At Iwinawalang Paraiso Ng Guinayangan, Quezon


Guinayangan, Quezon- Kilala ang Guinayangan bilang may malawak at likas na taniman ng anahaw (ginagawang bubong). Bukod dito'y isang mainam na destinasyon din ito para sa munting paliligo. o sa mas higit na kakaibang paglalakad (river trekking).

Mula sa Guinayangan, 15-20 sandaling sakay ng bus ay madadaanan ang Hillside Resort sa Baranggay Balinarin ng bayang ito. Ang Hillside Resort ay may isang paliguan lamang na siyang bahagi ng ilog. Nilagyan lamang ng tarangkang kongkreto upang maipon ang dumadaloy na tubig hanggang makalikha ng malaking swimming pool na umaabot ng siyam na talampakan ang pinakamalalim na bahagi.Kakaibang ang lamig ng tubig.





Ngunit kung nais na maranasan ang kakaibang paraiso, subukan tuntunin ang pinagmumulan ng tubig, sa mahigit na 30 sandaling paglalakad sa rumaragasang tubig ng ilog mula sa resort. Tatambad ang talon na tinatayang may 25 talampakan ang taas. Madadama ang taas nito kapag itinapat ang katawan sa bumabagsak na tubig.



Hindi gaanong kahirap lakaran ang mabatong ilog, hindi ito madulas tulad ng karaniwan, ang tubig na dumadaloy rito ay may halong lime, kaya ang mga bato rito ay magagaspang at kinakapitan ng lime. 

Mag-ingat lamang sa mga linta na makukuha sa mga dahon (karamiha'y sa pako).







Maaaring akyatin ang talon, at muling sundan ang pinagmulan ng tubig. Makikita ang mga maliliit na talon na may mahigit pa sa 15 talampakan ang taas. Sa aming paglalakbay ay nakita kami ng limang malalaking talon, dalawang magkatabi. Ito ang kahuli-hulihan at ang pinakamataas. Dahil sa kakulangan sa gamit at oras ay hindi na namin ito sinumbukang akyatin pa. Ngunit malamang ay mayroon pa rin doong mga magagandang talon. At hindi lang ito talon, ito rin ang pinagkukunan ng tubig ng karamihan sa baranggay na malapit dito. Sa katirikan ng talon ay may tubong nakadikit. Ang bagsak ng tubig mula sa itaas ang nagbibigay ng lakas upang malakbay ang kahabaan ng tubo at marating ang kabahayan na parang may makinang nagpapadaloy dito.






Nawawala o iwinawalang paraiso?
Tuwing panahon ng tag-ulan at taglamig lamang nasusulyapan ang tunay na kagandahan ng mga talon dito dahil sa pagsapit ng tag-init, sa sobrang hina ng daloy ay animo may taong nagbubuhos lang ng timba-timbang tubig dito.

Hindi ito nakapagtataka, makikita ang mga bakas ng maalwang taniman ng mga niyog na dati siguro'y malalaking puno ang nakatirik. Nariyan din ang pinagpuputol na mga kahoy na malapit sa ilog. Gayundin sa mga ibabaw ng talon, aming napansin na may mga piraso ng pinagputulan ng malalaking punongkahoy. Nakakalungkot pa rito ay ang kaingin bagama't pinatigil na ito ay hindi pa rin sapat upang itoy makabawi. Mga gawaing nagdudulot sa paraiso upang mawala.

Isinulat ni Walter Lingon
repost from www.balikas.net

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails