Recent Comments

Ang Santa Klaws ng Guinayangan



















Dr. Archie Garcia
and Mrs. Bebe Garcia

Ito kagad ang salitang pumasok sa isipan ko ng makita ko ang kanyang ginagawa taon-taon simula ng umuwi ako dito noong 2004. May nagsabi sa akin na matagal na raw niyang ginagawa ito taon-taon. Ano ba itong sinasabi ko? Narito ang kwento mga kabayan…….

Siya at ang kanyang maybahay ay dumarating dito tuwing kalagitnaan ng Disyembre mula Amerika. Magpapahinga lang siya ng 2 araw at magsisimula ng mamigay ng mga damit, sapatos at mga laruan sa ating kababayan partikular na sa mga mahihirap. Ayon pa sa nagbigay ng impormasyon sa’kin na “80 to 100 balik-bayan box” ang kanyang ipinamimigay na regalo sa ating mga kababayan. Siya ay gumagastos ng humigit-kumulang sa 1 milyong piso taon- taon kasama na ang transportasyon nilang mag-asawa pabalik ng Amerika. Pagkalipas naman ng pasko at bagong taon, ang mga pumupunta naman ay nagpapa-konsulta at humihingi ng gamot. Silang mag-asawa ay umaalis pabalik ng Amerika tuwing kalagitnaan ng Enero.

Ang tinutukoy ko ay si Dr. Archie Garcia at ang kanyang maybahay na si Gng. Bebe Garcia. Sila ay naninirahan sa “California, USA”. Biniyayaan ng 4 na anak, pare-parehong may pamilya na at naninirahan sa Amerika. Si Dr. Archie Garcia ay isa sa magkakapatid na may-ari ng Guinayangan Academy ( GA high-school ).

Maraming salamat po sa inyong mag-asawa dahil wala po kayong kasawa-sawa sa pagtulong sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo at maligayang kaarawan po Dr. Archie Garcia noong Enero 7.

Hanggang sa muli mga kabayan……….God bless us, all !!!

Sinulat ni Dennis T. Escobar

Repost From aisey.proboards.com
Photos Courtesy of
Mrs. Ging Garcia and Dennis T. Escobar

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails