Recent Comments

Paglingon Sa Alma Mater





Ang Guinayangan Academy
Ay pugad ng karunungan
Dito tayo ay hinubog
At talino’y pinagyaman

Bawat isa’y inihanda
Sa landas ng ating buhay
Ng matiyak na ang bukas
May magandang kapalaran

Bantayog na Paaralan
May Matibay na haligi
Mga gurong ang talino
Sa atin ay ibinahagi
Sa matyagang pagtuturo
Ibinigay ang sarili
Tayong lahat ay pinanday
Kakayaha’y pinagbuti

Atin ngayong nililingon
Paaralang pinagmulan
Mga gurong nagsumikap
Na tayo ay mahasikan

Taos pusong pasasalamat
Di pa sapat sadyang kulang
Kaya’t sa ating dalangin
Sila’y laging bahagihan

 by: Marianita R. Ilao

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails