Recent Comments

Ang Nabangka





ANG NABANGKA


Sa isang malayo at liblib na lugar
Sa baybaying dagat nitong look Ragay
Sumibol ang isang magandang barangay 
Kung saan kilala sa Nabangka ang ngalan

Ayon sa mga kwento ng mga ninuno 
Ito ay gubatan at may malalaking puno
Malalagong dawag sanga`y masalimuot 
Ang naniniraha`y mga ligaw na hayop

 

At sa kalauna`y mayroong dumatal 
Na isang pamilyang galing sa kung saan lang
Kanilang nilinang itong kagubatan 
Ginawang kaingin halama`y tinamnan

Ang  dating magubat at madawag na lugar 
Noo`y unti-unti na nagliliwanag
Ang mga puno ng saging at ibang halaman 
Wari`y paraiso kung iyong pagmamasdan


Subalit sa ibang taong nagtutungo
Ay may agam-agam at nangangalito
Kung may nagtatanong anong lugar ito 
Walang maisagot di alam kung ano

Sa paglibot-libot niyaong unang tao 
Sa nasasakupan ng nayon na ito
Nakita ay sapa sinunson  ang dulo 
Tila hugis Bangka ang kanyang natanto

 

Kay ganda ng hugis ng sapa na ito
Na parang sinadya pagkagawa  nito
Sa gilid ng sapa ay may naka-usling  bato 
Matanda`y naupo na sapu ang noo

Sa pagkakaupo matanda`y nangiti 
Kay gandang pangalan sa sarili`y nasabi
Kung may magtatanong anong lugar eri, 
NABANGKA, NABANGKA, yaong isasabi


Ngayon kung mamasdan  nayon ng NABANGKA, 
Ay maaaliw ka sa`yong makikita
Kay linis ng dagat baybaying kayganda, 
Na kaakit-akit sa mga turista

Dahil ang NABANGKA, ngayo`y maunlad na, 
Bahay nayon paaralan, ngayo`y konkreto na
Pangalang NABANGKA, ngayo`y pinaltan na,    
CAPULUAN CENTRAL, ngayo`y mas kilala


Kung ang baybay dagat ay bibigyang pansin 
Lalong mapaganda`t pag yayamanin
Maging kabunduka`t  kaparangan natin
Yaong kaunlara`y higit na kakamtin.




by: Anonymous

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails