Recent Comments

Hill Side Resort, Balinarin



Malaking pera ang ipinapasok ngayon ng ilog sa Balinarin mula ng ito ay maging isang resort.  Ayon kay  G.Eddie Vasquez, dati rati ang Hillside Resort ay isang simpleng ilog lamang. Bihira ang pumupunta dahil sa malalago at matataas na damo na nakapaligid dito. Karaniwan ilang magsasaka lamang at kabataan ang nagagawi kapag nagpapastol sila ng alagang kalabaw.


Ayon pa sa kanya maraming taon din ang nakalipas bago nila naisip na paunlarin at gawing resort ang ilog. Hangang sa mapagkasunduan ng Sangguniang Barangay ng Balinarin na ayusin at gawing paliguan. At hindi nga sila nagkamali dahil mula ng maayos ito hindi lamang taga rito sa ating bayan ang dumadayo dito pati ang mga  taga-ibang bayan ay dumdayo na rin. Samakatuwid naging isang sikat na Tourist Attraction ang lugar, dito sa bahagi ng probinsya ng Quezon.
Madali lamang matagpuan ang Hillside Resort na nasa pagitan ng bundok ng Hinabaan at Balinarin. Bukod pa sa mga nagkalat na karatula sa daan malapit sa resort, ito ay humigit kumulang lamang sa isangdaang metro ang layo mula sa kongkretong kalsada. Maayos ang daan tungo sa lugar kung kaya’t maaaring gumamit ng ano mang uri ng sasakyan, maliban sa malalaking bus o trak.
Halos kompleto ang payak na resort sa mga pangunahing pangangailangan.
May maayos na palikuran at masaganang tubig na nanggagaling sa isang bukal.

May mga tindahan na mabibilhan ng pagkain at inumin. Gayundin may roong billiard table, swimming gadget na maaring rentahan at may isang padulasan sa tabi ng ilog na ikagagalak hindi lang ng mga bata kundi na rin ang mga matatanda. May roon ding mga cottage na pwedeng rentahan. Kubo na pwedeng tulugan kung binabalak na magpalipas ng gabi ang mga bisita. Maari ding magdala ng sariling pagkain o lulutuin, dahil sa may lugar sa resort na maari kang mag-ihaw. May bayad ang pagpasok, ngunit ito ay maliit lamang at hindi gaanong kamahalan.  Sa ganitong kasing paraan ang ginagawa para makalipol ang barangay ng pangmintina at makabili ng mga gamit sa pagpapatakbo ng resort.  Gayundin ay pagpapasweldo sa mga tauhan at bantay upang manatili ang kaayusan.

Maari din itong pagdausan ng mga kasayahan, katulad ng bertdeyan, anibersaryo, reyunyon ng mga magkakaklase o magkakapamilya, at mga pagpupulong. May nakatalagang Brgy.Police ang resort upang manatili ang katahimikan. Wala ding dapat ikatakot yaong mga hindi marunong lumangoy dahil may mga tagapag sagip  na angmamasid sa mga naliligo. Na kung may maganap na hindi inaasahang aksidente ay kaagad itong magreresponde











 -Ang orihinal na artikulo ay unang nailimbag sa pahayagang "Ang Gayang" at muling isinalimbag dito sa Guinayangan Republic ng may kaunting pagbabagao at pagdaragdag.
-Ang mga larawan ay pagaari lahat ng Guinayangan Republic

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails