Recent Comments

Showing posts with label short story. Show all posts

Mga Mukha Ng Pagkalinga


Wala pa halos estudyante sa aming paaralan pero naroon na si Mang Vincent. Kay dami niyang dalang paninda. May siopao, mani, pansit habhab, malalamig na juice at ice candy.

Hapon naman siya babalik upang kunin ang mga benta ng ipinatindang produkto, at syempre para muling magtinda sa mga bata.

Madalas naman pulo-pulutong ang mga bata kay Mang Milan o mas kilala sa Mr.Hab-hab. mabiling mabili ang tinda nitong pansit hab-hab na sa halagang limang piso ay talagang mabubusog ka na.

Mainit at masarap na Arroz Caldo naman ang paninda ni Aling Lucy. Masigla siyang magtinda kahit na nga nangangapaso na sa tinitindang lugaw katulong ang butihing asawa. Malasa at may hanghang na hagod ng luya na tamang tama sa tiyang walang laman sa umaga.

Araw-araw yan. Lagi siyang nasa school hindi para magaral kundi para pakainin ng kanilang produkto ang mga mag-aaral. Kilalang killala na nila ang bawat suki. Alam na rin nila ang paborito ng mga bata mula sa kanilang tinitinda. Binibigyan din nila minsan ang mga batang walang pambili.

Masipag si Mang Vincent, Aling Lucy at Mang Milan. Hindi kumpleto ang isang araw kung hindi mo sila makikita sa labas ng eskwelahan. Simple at konte lang ang kanilang kinikita ngunit marangal at nagbibigay ligaya sa mga nagugutom na mag-aaral.






Mula sa pahayagang Ang GAYANG TOMO13 Blg.1

Tunay Na Hiwaga Ng Pag-ibig

"Kung may pag-ibig ay may pag-asa na ang dulot ay laging saya."

Lirikong mula sa kantang "Munting Hiling". Nagpapahayag ng tunay na hiwaga ng pag-ibig. Tulad ng pagmamahal ko sa aking magulang.

Pag-ibig ng isang magulang sa kanyang anak. Wala ng hihigit pa. Ang nararamdamang saya ng isang bata ay umaapaw sa kanyang murang isipan. Masabi lang ng magulang ko na ipinagmamalaki nila ako bilang kanilang anak ay umaapaw na ang puso ko sa saya.

Natatandaan ko pa noong nasa unang baytang pa. Kung saan nakipatagisan ako ng talino sa aming paaralan na kasama ang aking mga magulang. Labis na kaba ang aking naramdaman ng panahong iyon. "Ano ba yan?..kinakabahan ako!"...ang bangit ko sa sarili. Ngunit sabi ni Inay "OK lang yan, proud na proud kami sa iyo anak!". Sobrang anak ko noon.

Sobrang daming mga batang  nangangailangan ng pagmamahal at kalinga ng mga magulang. Kung tutuusin sobrang swerte nating mga batang may mga magulang na nagmamahal, kumakallinga at umaaruga.

Kaya't ang mga magulang ko ang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

Natutunan ko ring huwag suwayin ang mga utos ng ating mga magulang. Dahil sa bawat problemang hinaharap natin, sila ang nasasandalan. Gaano kasakit para sa isang magulang ang suwayin ng kanyang anak. Sa kanila natin nararamdaman ang tunay na hiwaga ng pag-ibig.


Mula sa Ang Gayang TOMO14 Blg.1

Haplos Ng Pagmamahal

Naranasan mo na ba ang mabalian o mapilayan, o dili kaya nama'y mausog o magkaroon ng uyag?
Diyan magaling si Lola Beata Albindo. Sa edad niyang 75, bakas  pa rin ang kaniyang kaliksan ng kanyang katawan at bakas ng kagandahan ng kanyang kabataan.

Halos sa kanya pumupunta ang mga nababalian at napipilayan. Bata man o matanda. mayaman man o mahirap. Dahil sa kanyang angking kagalingan sa paghihilot, nabantog siya hindi lamang sa ating bayan kundi sa ibang lugar na rin. Gamit ang bilog na bubog at dahon ng saging, madali niyang nahahanap ang parteng "pita" o may bali. Minana pa raw niya ang ganitong uri ng paghihilot sa kanyang lola.

Hindi biro ang mapilayan subalit dahil sa maingat niyang paghaplos at paghilot sa parteng nabalian, tiyak na ang kapalit na kaginhawaan. Ilang araw lang at gagaling na at mawawala na ang iyong karamdaman. Matagal na panahon na ang nakakalipas buhat ng magsimula siyang maghilot. Marahil hanggang doon na lamang ang itinakdang panahon upang siya ay makapaglingkod sa kanyang mga kababayan.
Matagal na rin na wala sa atin si Lola Beata ngunit hindi natin maitatanggi na naging katuwang siya sa pagsusulong ng isa sa bahagi ng ating kinagisnang kultura. Ang Paghihilot.

Inilathala sa pahayagang Ang Gayang TOMO 11 Blg.1

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails