Recent Comments

Ang Mga Dalubhasa


Kung mayroon mang maituturing na tunay na panday ng kabataan ito ay walang iba kundi ang mga guro. Sila ang matiyagang umuukit ng kaisipan ng mga mag-aaral, nagpapaliwanag at nagpapaunawa sa mga bagay na di nila nalalaman.

Bukod sa pagiging tagapaghubog, ibat-ibang tungkulin pa rin ang ginagampanan ng mga guro. Tulad ng isang arkitekto, ang guro ay nagpapakapuyat. Pinaplano at sinisuguro na maayos niyang mailalahad at maituturo ang mga araling dapat pagaralan kinabukasan. Kung minsan naman ay nagsisilbi siyang doktor at nars ng mga bata. Siya ang matyagang naglilinis ng sugat o nagpapainom ng gamot kapag may nararamdamang sakit ang kaniyang mga mag-aaral. Ang guro din ang tumatayong pulis at tagapamagitan sa loob ng paaralan. Sa mga batang nanggugulo at nakikipag-away sa kapwa mag-aaral. Siya din ang pumipigil upang hindi matuto ng pagsusugal at iba pang masamang gawain ang mga mag-aaral.

Subalit ang pinakamalaking responsabilidad ng mga guro ay ang tumayo bilang magulang ng mga magaaral sa loob ng paaralan. Tulad ng isang ina o ama, patuloy nilang inuunawa at pinagpapasensyahan ang kakulitan ng mga bata. Siya ay walang sawang nagmamalasakit, nagmamahal at nagnanais ng mapabuti ang kinabukasan ng mga bata.

Kilalanin natin ang ilan sa mga dalubhasang guro. Sila na nag-ambag at nag-alay ng mahabang panahon upang makapag-hubog ng daan daang kabataan.



 

Clemencia C. Pujalte
Isang mahusay na guro at tunay na dalubhasa. Taglay niya ang mga kaalaman tungkol sa  ibat ibang aspeto ng pagtuturo. Ito ang dahilan kung bakit madaling natututo ang mga mag-aaral. Naging consultant ng kanyang mga kapwa guro at maging ng mga punong guro dahil sa malawak niyang kaalaman.









 

Felicitas O. Boneo
Mituturing na isang henyo lalong lalo na sa Matematika. Isa siyang mahusay na tagapagdisiplina at iginagalang ng maraming kabataan. Sa loob ng 36 taon, nagpakita ng tunay na larawan ng isang huwarang guro. Tapat sa paglilingkod at tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral. Walang inisip kundi ang mahubog ng buo at ganap ang mga kabataan.










Neyda F. Genato
Nagsimulang maglingkod noong Hulyo 22,1966. Kaagad siyang kinakitaan ng dedikasyon at pagmamahal sa kanyang propesyon. Likas na kritiko, mapanuri at may malawak na imahinasyon kaya madalas siya ang nagiging tapagsanay ng mga batang  mahilig sa pagguhit . Sa kanya natutunan ng maraming mag-aaral  kung paano maging organisado at sistematiko. Bagamat hindi madali ang magturo hindi siya nagkait na ibahagi ang lahat ng kanyang nalalaman. Sa pamamagitan ng kanyang nalalaman tungkol sa ibat ibang estratehiya sa pagtuturo marami sa kanyang mga mag-aaral ang natuto at nabuksan ang isipan.





 

Pilar A.Dela Torre
Gandang pang Miss Universe? Hindi patatalo diyan si Gng. Pilar Dela Torre. Siya ang itinuturing na reyna ng mga batang nag-aaral ng Edukasyong Pantahanan. Ang 33 taon na kanyang ginugol sa pagtuturo ang makapagpapatunay na karapat dapat siyang tawaging dalubhasa. Bihasa  at may malawak na kaalaman sa pangangasiwa ng tahanan kaya naman napili siya bilang espesyal na guro sa H.E. ng Paaralang Sentral.









Inilahathala sa Ang Gayang TOMO5 Blg.2

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails