Recent Comments

Gabaldon, Ang Lundayan Ng Edukasyon


Isang hapon iyon ng byernes halos wala ng tao sa paligid ng aming paaralan. Ilang bata ang nagbibisekletang paikot ikot sa palaruan. May ilang mag-aaral ng Public High School ang nagkukwentuhan habang naka-upo sa bagong tabas na damuhan. Tila ninanamnam ang papalamig na panahon habang halos hindi na matanaw ang mapulang araw sa kanluran.

Tatlong silid na lamang ang bukas, dalawa sa E-Type at ang room ni titser. Tinturuan kami ni titser na minsan pa ay madilim na halos sa langit kapag kami umuwi.
Matapos kung sagutan ang mga ipinagagawa sa akin ni Titser sa Math dagli'y lumabas ako ng silid aralan upang makapaglaro. Pagkalabas ko ng pinto ay sinalubong ako ng tatlong bata na pilit na hinuhuli ang isang lumilipad na kabag na may tali sa paa.

Naku, muntik ng dumapo sa ulo ni Titser, at nagalitan ang tatlong istudyanteng malikot. Tinanong sila ni Titser kung saan ito nahuli. Sabi nila ito raw ay nahuli nila sa kesami ng isa sa silid aralan ng gusaling Gabaldon.
Habang kausap kami ni Titser napansin ko ang nakasulat na 1922 sa pader na inuupuan ko sa tapat ng kisameng tinitirahan ng paniking kabag. Nakaukit ito sa sementadong pader.

Tinanong ko si titser kung anong ibig sabihin nito. Sinabi niya sa amin na ito daw ang mga taong ginawa ang gusali ng Gabaldon. Ito din ang simula ng pagpasok ng mga batang mag-aaral sa bayan ng Guinayangan.
Masarap ang naging kwentuhan namin nina Titser kaya lang gabi na. Andito na ang sundo namin at ng iba ko pang mga kamag-aral. Kailangan na naming umuwi. Pinatay na namin ang ilaw ng silid aralan at isinara ang mga bintana at dalawan pintuan.

Muli kong nilingon ang Gusaling Gabaldon. Madilim ngunit maraming nabigyan ng maliwanag na bukas dahil sa pagbibigay nito ng edukasyon sa tulong ng mga Guro at paaralan. Kabilang ang buhay namin at ng mga batang nanghuhuli lagi ng kabag kapag akala nila na wala si Titser sa paligid. Magandang Gabi Gabaldon. magkita uli tayo bukas!

Ni Cedrik
-mag-aaral sa Paaralang Elementarya Ng Guinayangan

Inilimbag sa Ang Gayang Hunyo-Nobyembre 2009

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails