Recent Comments

UKG Dancalan 1















UKG Dancalan 2






Mutya Ng Guinayangan 2012: Profiles















Paglulon

Noong 1896 dumating ang mga pamilya ng Apolonario Porlay, Adriano Cataquiz at Catalino Servando sa sabang ng Capuluan. Naibigan nilang manirahan sa baybaying ito na may dalawang nakaungos na punta na parang pulo, kaya tinawag nila itong Capuluan.

Sumunod sa kanila ang mga Purio, Olivera at Malana. Sa pamumuno ni Ciriaco Beco (Ka Dacoy) ang mga Batanguenio ay nanirahan sa sitio ng Nabangka, na sakop ng Capuluan Central
Nahati sa dalawang barangay ang Capuluan, ang Central at Tulon noong taong 1927. Nagsilbing hangganan ng dalawang baryo ang isang lugar na tinatawag ng matatanda na Banay-banay at Mangalkaw. Ang kauna-unahang namuno dito ay si Kapitan Felagio Cueto, ang mga sumunod ay si Kapitan Felomeno Corato, Kapitan Victor Cleope, Kapitan Rudolfo Rosales, Kapitan Ladislao Cueto, Kapitana Luisa Dadulla. at sa ngayon ay pinamumunuan ni Kapitana Helena Peñero.

Mga pamilyang Cleope, Rosales, Macatangay, Corato, Baha, Alday at Banog ang mga unang nanirahan dito. Sila ang nagpayaman ng lugar. Nagsaka ng lupain. Nag-ani ng yamang ilog at dagat na binabaybay ng baryong ito hangang sa namana na ng mga kasalukuyang angkan.

Ang baryo ng Capuluan Tulon ay nahahati sa mga sitio ng Duhatan, Bayog, Pantay, Himawid, Site/Centro, Sabang at Tulon. Ang Sitio Sabang ang may pinakamalaking bilang ng mamamayan. Ang bayanan nito ay binubuo ng mas maraming kabahayanan. May sarili itong kapilya at basketball court iba pa sa mismong Barangay Center malapit sa Daang-pambarangay.



Binagtas ang baryong ito nang isa sa pinakamalaking ilog ng Guinayangan. Ang ilog na ito ay nagsilbing "natural boundary ng dalawang sitio na may parehong pangalan, ang Sitio Sabang ng Barangay Capuluan Tulon at Sitio Sabang ng Barangay Arbismen. Sa gawing kanluran ng ilog malapit sa hanganan ng karatig barangay ng Sintones ay matatagpuan ang lugar ng Tulon. Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay paglamon o paglulon ng tubig sa salitang Bisaya. Dito isinunod ang pangalan ng barangay ng mahati  sa dalawang baryo ang Capuluuan.



Brgy.Capuluan Tulon Scene And Scenery 1












Brgy.Capuluan Tulon Scene And Scenery 2








Mutya Ng Guinayangan 2012-4
















About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails