Recent Comments

Liwanag Sa Dilim

"Kailan man ay hindi ko ginawang dahilang ang aking kapansanan upang mawalan ng pag-asa at takasan ang hamon ng buhay."

Mga katagang namumutawi kay Mang Romeo Olar o higit na kilala bilang Mang Reming.
Pitong taon pa lamang siya ng tuluyang pagkaitan ng liwanag ang kanyang mga mata dahil sa sakit na tigdas. Mula noon naging napakadilim na ng kanyang paligid.

Tanging ang isang lumang padyak lamang ang naging kaagapay ni Mang Reming upang mairaos ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Maaga pa lamang ay lumalakad na sila upang mamili ng bote at mga piraso ng bakal. Sa gabi naman ay mangingisda siya kasama ang kanyang anak na lalaki.

At sinong mag-aakala na sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagagawa pa rin niyang itaguyod sa pag-aaral ang kanyang mga anak.  Dalawa sa mga ito ay nasa ikalawang taon na sa haiskul samantalang ang dalawa pa ay nasa elementarya.

Isang huwarang ama para sa kanyang mga anak. Isang dakilang nilalang na bagama't nabubuhay sa kadiliman ay punong-puno naman ng liwanag ang puso at pag-iisip... nabubuhay ng marangal na di umaasa sa kalansing ng lata at awa ng iba. Bulag ngang maituturing ngunit hindi tulad ng ibang mulat na mulat ang mga paningin subalit ang landas na tinatahak ay  patungo sa kadiliman at nagiging pabigat sa lipunan. Ilan pa kaya ang tulad ni Mang Reming?

sinulat ni Renato M. Yruma
orihinal na nilimbag sa Ang Gayang Hunyo-Oktubre 2002

Claro M. Recto St. Scene











Poblacion












About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails