McCormick Flavor Nation Festival 2016
-
Performances by Basti Artadi and Reese Lansangan
9 years ago
Posted by Anonymous in resort on Thursday, July 1, 2010
Malaking pera ang ipinapasok ngayon ng ilog sa Balinarin mula ng ito ay maging isang resort. Ayon kay G.Eddie Vasquez, dati rati ang Hillside Resort ay isang simpleng ilog lamang. Bihira ang pumupunta dahil sa malalago at matataas na damo na nakapaligid dito. Karaniwan ilang magsasaka lamang at kabataan ang nagagawi kapag nagpapastol sila ng alagang kalabaw.
Madali lamang matagpuan ang Hillside Resort na nasa pagitan ng bundok ng Hinabaan at Balinarin. Bukod pa sa mga nagkalat na karatula sa daan malapit sa resort, ito ay humigit kumulang lamang sa isangdaang metro ang layo mula sa kongkretong kalsada. Maayos ang daan tungo sa lugar kung kaya’t maaaring gumamit ng ano mang uri ng sasakyan, maliban sa malalaking bus o trak.
May mga tindahan na mabibilhan ng pagkain at inumin. Gayundin may roong billiard table, swimming gadget na maaring rentahan at may isang padulasan sa tabi ng ilog na ikagagalak hindi lang ng mga bata kundi na rin ang mga matatanda. May roon ding mga cottage na pwedeng rentahan. Kubo na pwedeng tulugan kung binabalak na magpalipas ng gabi ang mga bisita. Maari ding magdala ng sariling pagkain o lulutuin, dahil sa may lugar sa resort na maari kang mag-ihaw. May bayad ang pagpasok, ngunit ito ay maliit lamang at hindi gaanong kamahalan. Sa ganitong kasing paraan ang ginagawa para makalipol ang barangay ng pangmintina at makabili ng mga gamit sa pagpapatakbo ng resort. Gayundin ay pagpapasweldo sa mga tauhan at bantay upang manatili ang kaayusan.This entry was posted on Thursday, July 1, 2010 at 12:14 AM and is filed under resort. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.