Recent Comments
Guinayangan Fluvial Parade 2012
Posted by Anonymous in fluvial parade
Kung ganoon, tayo na sa isang barangay ng Guinayangan sa Manlayo.
Fluvial parade, Caracol...iba't ibang katawagan subalit iisa ang kahulugang pagpaparangal kay Nustra Senora Dela Paz. Pinakatampok sa kanilang okasyon ang fluvial parade kung saan dinarayo ito ng mga tao mula sa iba't ibang lugar upang masaksihan. Karaniwan ay ginagawa itong isang paligsahan kaya naman pinaghahandaan ng maraming tao lalo't higit ang mga naninirahan dito, bata man o matanda hindi lamang upang makamit ang malaking papremyong nakalaan sa magwawagi, subalit higit sa lahat upang maipakita nila ang pasasalamat sa kaniya.
Nagsisimula ang kanilang pagpaparangal sa pamamagitan ng misa at pagkatapos noo'y pupunta na ang bawat grupo sa dagat kung saan naroon ang mga bangkang may makukulay at magagandang pahiyas. Dito makikita ang pagkamalikahain ng bawat pilantik ng mga daliri, pagpaling ng ulo, at pag-indayog ng mga balakang ng mga kalahok ay tunay namang nakakasiya at talaga namang magpapasayaw ka.
Nakakapagod ang buong araw subalit hindi nila ito nararamdaman, sapat na ang maparangalan, sapat na ang maparangalan nila ang kanilang patron at makita ang kasiyahan ng bawat manood. Kaya, tayo na, at makiisa sa kanila.
ni Lovely Wina Cezar
galing sa Ang Gayang
Guinayangan Street Dancing 2012-1
Posted by Anonymous in festival, fiesta season on Wednesday, June 20, 2012