Recent Comments

San Luis Gonzaga

Ang Patron Ng Guinayangan

Si San Luis Gonzaga ay isinilang sa kastilyo ng Kastiglione, Lombardy noong Marso 9, 1568 sa isang angkang kinabibilangan ng mga prinsipe, markes, duke at hari. Ang lahat  ay nasa kaniya upang maging marangal sa daigdig at sa katunayan ay nais ng kanyang ama na siya ay maging isang sundalo. Mula pa sa kanyang pagkabata ay sinanay na siya ng kanyang ama sa pagiging sundalo. Binigyan siya ng mga kanyo kanyonan at baril barilan at pinasama sa mga sundalo sa kampo. Subalit iba naman ang panalangin ng kaniyang Ina. Siya'y maging alagad ng Diyos.

Nahilig si Luis hindi sa pagiging sundalo kundi sa gawang kabanalan. Sa katunayan ay sinasabi na lubos niyang pinagsisisihan ang pagmumurang natututuhan ng mga sundalo. Kapuri-puri ang naging buhay ni Luis sa pagiging pahe niya sa iba't-ibang korte o palasyo tulad ng sa Mantua, Ferrera, Parma, Madrid at Plorensya. Sapagkat sa gitna ng kasayahan at karangyaan ay lagi niyang naaalala ang katotohanan ng Diyos sa lahat ng dako at dahil diyan ay naging malinis ang kaniyang budhi. Sinasabi na ang santong ito ay hindi nagkasala ng mabigat sa tanang buhay niya. "Ano ang kinalaman nito, "lagi niyang sinasabi , sa buhay na walang hangan". Upang malubos ang kanyang hangaring maging banal, na kanyang natutuhan sa pagbabasa ng mga buhay nga mga santo, si Luis ay pumasok na kasapi sa Samahan ng mga Paring Heswita noong Nobyembre 25, 1585 sa Roma.

Siya ay naging nobisyo , hindi pari. Ang kanyang buhay bilang nobisyo sa mga Heswita ay kinamalasan ng pambihirang kabanalan. Ang matapat na pagtupad ng kaniyang tungkulin, ang pagiingat sa kanyang mga paningin, ang matimyas ng pagmamahal sa Mahal na Birhen at sa Kabanal banalang Sakramento. Namatay siya noong Hunyo 21, 1591 sanhi sa isang sakit na nakuha niya sa pagtulong sa nasalanta ng peste.

About me

More videos from Guinayangan here on
GR Tv ON YOUTUBE
Related Posts with Thumbnails